Siya na raw ang tumutulong, siya pa ang sinisisi Sen. Bong Revilla Jr., galit na galit na kay Genelyn Magsaysay

BLIND ITEM: MAUGONG ang usap-usapan na isang “schizo” ang showbiz mother na ito who’s now reeling from a severe family crisis.

She’s not the visible showbiz mom that we know until may pangyayari kamakailan that compelled her to come forward.  In fairness, she does not lay claim as regards her being the legitimate wife of a veteran actor, with whom nagkaroon siya ng mga anak.

But as the showbiz mom cries for what’s rightfully due her family, naungkat  tuloy ang “panlalamig” ng kanyang relasyon sa ama ng kanyang mga anak that has spanned for several years. Ang tanging nag-uugnay na lang sa kanila ay ang isa nilang supling, but sadly… hanggang dito na lang ang item na ito.

 

FIRST, THERE WAS grief. Next, anger.

Ito ang magkasunod na emosyon na lumukob sa katauhan ni Senator Bong Revilla in the series of events related to the grisly murder of his half-brother Ram. But enough of the grieving moments, let Ram’s soul rest in peace as the Revilla clan awaits justice.

Sa nakaraang phone patch interview ng Startalk TX kay Bong, if it were a videophone talk ay hindi maaaring ikubli ang ngayo’y nag-ngangalit nang senador with the way the police have been conducting their probe. Idinawit kasi ng mga awtoridad si Ramon Joseph (or RJ) as the brains behind the killing, including the victim’s other sibling Maria Ramona (or Mara).

Lalo pa yatang nangatal ang mga panga ni Bong when the night before Saturday ay naiulat ang pag-alis ni Mara patungong Hong Kong, perhaps as her entry point to her trip to Turkey to be with her husband.

Isang dapat sana’y off-the-record ang napakawalan ng mambabatas as he earnestly sought the intercession of his stepmom, Genelyn Magsaysay (ina ni Ram), to make Mara return home to face the music if indeed she was not guilty of the charges.

“Huwag mong sabihing hindi mo alam na umalis si Mara. Isipin mo na anak mo rin si Ram,” were Bong’s repeated words that were telling of how his relationship now with his dad’s mistress has gone sour.

Sa aming pagtatanong sa ilang nakakaalam ng kuwento, on the night that RJ was apprehended and caught by the Las Piñas City Police ay tumawag ito sa kanyang Kuya Bong. Like a whimpering child, nagsumbong ito sa senador nang masakote, who later passed his mobile phone to Bong who spoke to the arresting cops.

Sa puntong ‘yon pinayuhan ni Bong ang mga pulis na huwag usisain si Ram as he might be rattled by the volley of questions, hintayin na lang daw ng mga ito ang ipadadala niyang abogado. Unable to persuade the police authorities to release Ram from detention, ito raw ang ikinagalit ni Genelyn sa kanya.

Genelyn reportedly called up Bong, and furiously ay sinabihan daw siya nito ng, “Senador ka pa man din, wala kang magawa?!” Only then did we realize, habang in progress ang interbyung ‘yon ni Lolit Solis kay Bong sa Startalk TX, ang mariing paliwanag ng senador: “Hindi po ako senador ng mga Revilla… senador po ako ng bansa.”

Sa himig ng pinakahuling panayam kay Bong, ang noo’y disbelieving brother who questioned the validity of the probe is now more inclined to believe the police report. And because he has now maintained an off-limits distance from Genelyn, nagpasiya na rin si Bong na huwag na sa kanya manggaling ang pagbibigay ng isang mahusay na abogado na magtatanggol kina RJ at Mara.

Katuwiran daw ni Bong, and we quote ou source: “Eh, kung sakaling matalo sila (RJ et al), eh, ‘di si Bong pa rin ang sisisihin ni Genelyn?!”

 

TUNGHAYAN NGAYONG MIYERKULES sa Face To Face ang kuwentong pinamagatang Dahil Hating Kapatid, Pati Sa Asawa Ng Kapatid Ay Nakiapid! Masama ang loob ni Michelle sa kanyang half-sister na si Gloria, sukat ba naman kasing may relasyon ito sa kanyang dyowang si Efren.

Naudlot na panghahada naman ang hatid ng kuwento bukas sa Mga Beki, Imbes Na Makaiskor Sa Mga Lalaki, Vinetsin Sa Inuman Kaya Limas Ang Mga Kagamitan! Imbiyerna si Jaja sa mga nakalasi- ngang sina Robert, Sherwin at Jason dahil nilagyan umano ng mga ito ng vetsin ang kanyang alak, kaya nang panawan ng ulirat ay kasamang nabiktima ang dalawa pang beki na nanakawan ng rice cooker, bentilador, DVD player at datung.

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

3 thoughts on “Siya na raw ang tumutulong, siya pa ang sinisisi Sen. Bong Revilla Jr., galit na galit na kay Genelyn Magsaysay

  1. huh!?? ano??ang gulo nmn ng bi m..sbe m isang supling??eh bkt sbe m “panlalamig ng kanyang relasyon sa ama ng kanyang mga anak”??..takot k lng ata eh..bkt k p ngsulat kng duwag k lng.

  2. carrasco carrasco, ano na naman yang blind item mo? pasosyal na naman! wala bang bago? isang anak o baka naman si genelyn yan? sinasabi mo lang na isang anak pero may anim na anak pa sya. natatalot ka? carrasco gandahan mo naman ang mga sinusulat mo. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.