Sitcom nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, ‘di na tuloy dahil kay Toni Gonzaga! *new*

‘DI BA, NABALITA noon na magkakaroon ng sitcom sina Robin padilla at Mariel Rodriguez kung saan kasama pa si Pokwang, dahil nabuo nga ‘yon sa dalawang linggong pagho-host ni Robin sa Wowowee?

Me title pa nga ‘yon, “Palibhasa Sikat.” Pero mukhang mauudlot na ito, dahil according to my source, “shelved” na ito at papalitan ito ng sitcom starring Robin Padilla at ang leading lady, hulaan n’yo kung sino?

Itago na lamang natin ito sa pangalang Toni Gonzaga.

Bakit si Toni?

Obvious ba, meron silang pelikula?

BLIND ITEM: NAKAKABILIB ang isang hunk actor. Kahit patuloy itong nali-link sa isang hunk actor, he doesn’t care. “Hindi naman kasi totoo. Mabait lang ‘yung tao sa akin, pag-iisipan na agad ng masama.”

Kahit kami, naniniwalang magkaibigan lang ang dalawa. Nakakalungkot lang na ‘yung isang hunk actor, kahit sino na lang ang tsikahing aktor, ili-link na agad. Meron na agad malisya, kaya nakakaawa rin naman ang aming “kumpare.”

Pero kung iaanalisa mo, kahit pa sabihing bading ang hunk actor na ‘to, ba’t gano’n? Pantasya pa rin siya ng mga bading? Tsismis sila nang tsismis na bading ito, eh, kasi nga, hindi nila mahada, kaya ‘yung pulutanin ang isyung bading, ito ang kaya lang nilang gawin.

KUNG KAMI KAY Kris Aquino, kung hindi na talaga maaayos ang gusot nila ni James Yap at with finality na ang pakikipaghiwalay niya rito, ‘wag na muna siyang ma-in love. Work na lang siya to death at mother-to-death na lang muna siya sa kanyang mga anak.

Kung maaari, for the next six years. Dahil maimadyin n’yo ang lalaking susunod na maiinlab kay Kris, tiyak na blow-by-blow account ang media sa kanila, dahil “Presidential sister” si Kris, kaya nakakalokah.

At ito namang si James, parang hindi rin naman apektado, dahil sa kanyang dayalog na, “Kung anuman ang maging desisyon ni Kris, tatanggapin ko!”

Ano ‘yon? Suko na rin si James sa ugali ni Kris o aminado siyang kasalanan niya, kaya hindi niya maipaglaban ang kanilang married life?

ISANG PATOTOO ANG mala-porselanang kutis ni Pauleen Luna kumbakit ni-renew ng Renew Placenta ang kanyang kontrata bilang endorser nito. Nananatiling flawless ang co-host ng Eat… Bulaga! “Malaking tulong talaga ang Renew Placenta, Tito Ogs. Napakaganda sa balat!”

Actually, kahit kami, ang sabon namin sa bahay, Renew Placenta rin, dahil hindi matapang sa balat, lalo na ang kanilang Glutathione soap na ang bangu-bango, grabe. Kaya naman kahit hindi kami mestisa, eh, in fairness, hindi naman kami binabalikan ng pimples, dahil sa Renew at sa bonggang facial ng Belo Medical Group.

“Apat na taon na naming endorser si Pauleen at in fairness, taon-taon, tumataas ang aming sales, kaya mine-maintain din namin siya. Bukod sa hindi mahirap kausap ang manager niyang si Tita Lolit Solis,” sey ng namamahala ng marketing at may-ari ring si Ms. Grace Garcia.

May nagbulong sa aming isang reporter, tinanong kami nito, “Palagay mo, mare, virgin pa si Pauleen?”

Isa lang ang sagot namin:

“Mukha.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

12 thoughts on “Sitcom nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, ‘di na tuloy dahil kay Toni Gonzaga! *new*

  1. hihihi may nag clone sa aken totoo namang papanget ng 2 iyan sigue nga itabi ninyo ang 2 tsimay na toni at mariel sama ninyo rin si krista …itabi kay angelica bea angel marian truth hurts tignan nyo mga mukha nila iisa hilatsa

  2. dami pang kaekekan ang alam namin kaya di matutuloy dahil napulsuhan nila na magiging mega-flop to…sino ba naman papatol sa bidang mariel antipatika..at si toni TH masyado…pwee

  3. If that’s the case it’s very unfair for mariel. Just beause Toni and Robin has a movie Mariel has to give way. It’s not her fault that the management chose her.

    • ALAM NANG MANAGEMENT NA MAGIGING FLOP ITO. MARAMING GIMIK SI MARIEL . PATI NGA SI PAUL NANG PBB, BIGLANG NADAWIT NANAMAN SA KANYA, SABI NILILIGAWAN SIYA, NANG MAINTERVIEW SI PAUL, SABI HINDI RAW TOTOO AT SI MARIEL RAW ANG UNANG NAG TWIT SA KANYA, LET’S FACE IT, SHE IS THE FLOPSINA PRINCESS, LAHAT NANG SHOWS NIYA, ANG BABA SA RATINGS, PRECIOUS HEARTS ROMANCES NA SIYA ANG BIDA, WALA SA TOP TEN. . .

  4. cgurado akong pag may natipuhan na naman si kris na basketbolista ay hindi niya palalagpasin un….lol!

Leave a Reply

Your email address will not be published.