Sisters Maxene and Saab Magalona, mobbed by Justin Bieber’s fans!

HINDI NAKALIGTAS sa lupit ng die-hard Justin Bieber fans ang magkapatid na sina Maxene at Saab Magalona. Ang dapat na nakakatuwang pag-tweet ng pagkagusto sa nasabing popstar ay naging hudyat para i-bully ng mga ‘Beliebers’ ang magkapatid sa magkaibang oras.

Noong hapon ng Linggo ay sunud-sunod ang naging tweet ni Saab tungkol sa maling mentalidad ng mga tagahanga na puwede nilang i-bully ang mga artista. Noong kinagabihan naman ay nag-tweet si Maxene ng biro na makikita niya nang personal si Justin Bieber. Umabot sa puntong nakatanggap ito ng mga death threats kaya agad niyang tinanggal ang mga Bieber-related tweets niya.

Dapat maintindihan ng fans na kahit mga artista ay may karapatan ding humanga sa talento ng iba.

RICH ASUNCION, NAPASUBO SA PAGIGING TAKLESA!

Nagulantang ang mga viewers ng Showbiz Central noong nakaraang Linggo sa guesting ng beauty queen-turned-sexy kontrabida na si Rich Asuncion. Bumisita ang dalaga at nagpa-interview kay John Lapus para i-promote ang kanyang autograph signing para sa FHM Magazine.

Nang tanungin tungkol sa next TV pro-ject nya, sinabi nito na siya ang kontrabida ni Jackie Rice sa upcoming afternoon series na ‘Sisid’. Ipinagmalaki ng dalaga na maraming lalaking magpapakita ng abs ang magpapatalbugan sa palabas at kahit ang mga babae raw ay nakasuot ng ‘pekpek’ shorts.

Sa mga pagkakataong ito, dapat na maging maingat ang mga artista sa pagbitiw ng salita. Mali rin ang mentalidad ng ilan sa mga artista ngayon tungkol sa pag-promote ng TV show. Ikinadismaya ng mga Kapuso writers na sina Jake Tordesillas at Jun Lana ang pagrarason ni Rich Asuncion.

“Lalaking magpapakita ng abs at babaeng naka-pekpek shorts…Sisid is more than that – @jaketor”

“Kung nagbabasa siya ng script, alam niyang may kuwento ang Sisid, hindi lang pagpapaseksi. Kakadismaya” – @junlana.

Dapat turuan ang Kapuso network ng tamang pamamaraan ng pag-promote ng palabas. Look at what happened to Machete.

JASMINE CURTIS, BIDA SA MUSIC VIDEO NI BIANCA KING!

Maliban sa pag-arte, kinakarir na rin nga-yon ng Kapuso actress na si Bianca King ang pagdidirek partikular na ng mga music videos. Una na nitong ginawa ang debut music video ni Frencheska Farr para sa awiting ‘Today I’ll See The Sun’, kung saan may special participation si Richard Gutierrez.

Sa kanyang ikalawang music video, ang nakababatang kapatid naman ni Anne Curtis na si Jasmine ang leading lady sa ‘Hey Daydreamer’ ng SomedayDream. Very telegenic ang dalaga at swak na swak ang kanyang aura sa concept ng kanta.

Sa sobrang tuwa ni Bianca King sa positive comments ng kanyang gawa, todo retweet ito sa Twitter. Garantisadong may karir na sa pagdidirek si Bianca kung sakali mang mapagdesisyunan nitong lisanin ang pag-aartista.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Sisters Maxene and Saab Magalona, mobbed by Justin Bieber’s fans!

  1. sa galing sa acting subok na si Erich Gonzales dahil nararamdaman ang ginagampanan niya na hindi pweding gayahin dahil ang galing  ni Erich ay congenital,gusto namin sa siya dahil bukod sa napakganda napakagling simoling tao pa.

  2. sino ba ‘tong mga TH na to’?  dyosko magsitabi nga kayo…. kundi pa naging celebrity ang fadir nyo eh di rin kayo naka enter sa showbiz world… ej wala namang kakwenta kwenta… waste of time…

Leave a Reply

Your email address will not be published.