Sisterhood Agreement ng Navotas at Valenzuela, Lalagdaan Ngayon

GANAP NANG magiging magkapatid na lungsod ang Navotas City at Valenzuela City sa pamamagitan ng isang Sisterhood Agreement sa pagitan ng dalawang lungsod na lalagdaan ngayong umaga, Setyembre 2, alas-10 ng umaga, sa Navotas City Hall kasabay ng kickoff celebration ng City Councilors’ Week (Setyembre 1-7, 2013).

Sa pamamagitan ng kasunduan, layon nina city mayors John Reynald Tiangco ng Navotas at Rex Gatchalian ng Valenzuela na palakasin ang ugnayan mga magkalapit na lungsod para sa ikabubuti na rin ng kanilang nasasakupan.

“Navotas City will be the first among the local government units in Metro Manila to be the sister city of Valenzuela as they see many potential partnership projects between the two neighboring cities.”, ayon kay Ahna Mejia, Public Information Officer ng Valenzuela City sa isang council meeting sa Navotas kamakailan,

Ang lungsod ng Valenzuela, ayon pa kay Mejia, ay “all praises for Navotas City, their first sister city in Metro Manila for their two consecutive Seal of Good Housekeeping Award, Bronze and Silver, in 2011 and 2012.”

Ayon naman kay Navotas City Coun. Ricky Gino-gino, na nag-organisa ng tatlong magkakasunod na aero-marathon activities sa lungsod siya ay kapwa “glad and challenged that their cities are both being known as the Aerobics Capital of the Philippines as evident in the massive support of their constituents to the free regular aerobic exercises and events of their city governments.”

Ang sisterhood agreement  ay proyekto ni dating Valenzuela Mayor at ngayon ay District 1 Representative Sherwin Gatchalian, “to mandate the creation of a “partnership group” composed of five members from each city. Its task is to promote and expand an effective and mutually beneficial cooperation for the development (of both cities) as well as to foster meaningful technical exchange and cooperation for sustainable development, trade, investments, tourism, information technology, human development, as well as, culture and arts.”

Sa kanyang tatlong termino bilang alkalde ng lungsod, nakapagsara siya ng halos 36 sisterhood agreements sa mga lungsod sa mga probinsya sa loob at labas ng bansa, kabilang ang Bucheon City ng Gyeonggi Province sa South Korea.

Ang  paglagda sa kasunduan ay dadaluhan din ng mga konsehal ng dalawang lungsod.

 (MARY H. SAPICO)

 

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.