Sipat Eklat #116

SIPAT: Willie Revillame, nakatanggap ng P2-M donation!
EKLAT: Hindi naman daw ‘yon donation…

SIPAT: Willie Revillame, nakatanggap ng P2-M donation!
EKLAT: Under the supervision of DTI ba ‘yon?

SIPAT: Willie Revillame, nakatanggap ng P2-M donation!
EKLAT: Ang yaman-yaman talaga ni Willie, ‘no?

SIPAT: ‘Gusto nila ng pangkabuhayan showcase, hindi naman ako game show,’ sey ni Richard Gutierrez sa mga Pardo.
EKLAT: Dapat pala kay Willie sila lumapit.

SIPAT: ‘Very careful’ at ‘not overspeeding,’ depensa ni Ruffa Gutierrez kay Richard.
EKLAT: Wasak ang posteng nabangga. Tumalon pa sa bangin. Maingat nga.

SIPAT: Carlo Caparas, hinirang na National Artist!
EKLAT: National Super Hero si ‘Darna,’ isusunod na.

SIPAT: Okay lang kung naisnab si Mang Dolphy this year…
EKLAT: Otsenta pa lang naman siya, e.

SIPAT: Iba pang nominado sa National Artist award, nabisto!
EKLAT: Xerex Xaviera – National Artist for Literature; Marc Logan – National Artist for Broadcast, at Sex Bomb Dancers – National Artist for Dance

SIPAT: May kalaban na ang mga tabloid sa showbiz tsismis.
EKLAT: Facebook.

SIPAT: Bakit talak nang talak si Osang sa Facebook niya?
EKLAT: Walang gustong mag-interbyu sa kanya.

SIPAT: Ayaw sagutin ni Bong Revilla ang talak ni Osang sa Facebook.
EKLAT: ‘Friendster’ pa rin kasi ang account niya.

SIPAT: Venue ng wedding nina Korina Sanchez at Mar Roxas, kumpirmado na!
EKLAT: Sa Wowowee studio.

SIPAT: Coverage ng honeymoon, tinanggihan nila.
EKLAT: Kasama sa crew si Hayden Kho, e.

SIPAT: Hirap daw makabuo sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo?
EKLAT: Pa’no pa kaya sina Mar at Korina?

SIPAT: Pumanaw na si Ma’am Cory Aquino.
EKLAT: Talagang ganoon, nauuna ang mababait… (Ang aming taos-pusong pakikiramay.)

By Papa Azzi

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “Sipat Eklat #116

  1. alam nyo sa totoo lang dapat jan kay willie hinihiya rin, para maranasan nya yung mga pinaggagagawa nya sa mga crew ng wowowe, sobrang yabang ng taong yan at akala mo palagi kung sino lalong lalo na sa tumatangkalik ng show na wowowe masyado syang BASTOS sana lang makarating ito sa kanya!

  2. LOL! gumigimik na naman si papi ay wil pala, galing sa bulsa ni welle ang P2M

    baka nga yan ang pera na para sana sa 2-0 game segment na may dayaan sa wowowee dati

Leave a Reply

Your email address will not be published.