Sipat-eklat: Shaina Magdayao, ka-jamming ni John Lloyd Cruz sa tomaan?!

SIPAT: BIGLANG SIKAT si JASON IVLER.
EKLAT: SINO kayang KANDIDATO ang KUKUHA sa KANYA para mag-ENDORSO?

SIPAT: PAGYAYABANG pa nga ng ERMAT ni JASON na si MARLENE AGUILAR, UMAPAW ang REQUEST sa FACEBOOK ng ANAK, e.
EKLAT: UMPISAHAN na ang FANS CLUB!

SIPAT: UMALMA na rin ang UNCLE FREDDIE AGUILAR ni JASON. OVERKILL daw ang GINAWANG PAGHULI sa PAMANGKIN niya.
EKLAT: Naks, NAKALIBRENG PUBLICITY na naman si KAKA!

SIPAT: BEDROOM VOICE si MARLENE, ‘no?
EKLAT: ‘Pag NAGSASALITA siya… UMAAMOT ba siya ng SIMPATYA, o NANGHAHALINA?

SIPAT: So, MAGSYOTA na TALAGA sina DINGDONG DANTES at MARIAN RIVERA?
EKLAT: MATAGAL nang ALAM ‘yan, e… ni KARYLLE!

SIPAT: May TUKAAN MOMENTS pa sina DINGDONG at MARIAN do’n sa isang MAGAZINE, e. Siyempre, nasa HARAP sila ng KAMERA.
EKLAT: IMADYININ n’yo na lang ‘pag WALANG KAMERA…

SIPAT: INAMIN ni LUIS MANZANO na SINUSUYO niya ULI si ANGEL LOCSIN.
EKLAT: AMININ niya naman kung BAKIT sila nag-BREAK!

SIPAT: Pero laging SEY ni ANGEL, HINDI na siya NAKIKIPAGBALIKAN sa EX niya, e.
EKLAT: ASK n’yo si OYO BOY SOTTO kung BAKIT…?

SIPAT: Kaya may PAG-ASA pa si EFREN ‘CNN HERO’ PEÑAFLORIDA na MAKAISKOR kay ANGEL.
EKLAT: ‘Yon, e kung may GAGAWAN ng PELIKULA ang DALAWA!

SIPAT: BAKIT ba may ISYUNG LASENGGO itong si JOHN LLOYD CRUZ?
EKLAT: Naku, DAPAT SAGUTIN niya ‘yan… ‘pag SOBER na siya!

SIPAT: Pati si SHAINA MAGDAYAO, e ka-JAMMING daw ni LLOYDIE sa TOMAAN?
EKLAT: For sure, IDIDENAY nila ‘yan… ‘pag HINDI na sila LASING?

SIPAT: Sey ni RAYVER CRUZ, HINDI raw ang TIPO ni SHAINA ang magiging LASENGGA.
EKLAT: PAHABOL pang ADVICE ni RAYVER… ‘HINAY-HINAY LANG.’

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

5 thoughts on “Sipat-eklat: Shaina Magdayao, ka-jamming ni John Lloyd Cruz sa tomaan?!

  1. si jason ivler e hindi artista pero naging popular, kasi sya ang suspect sa pagbaril sa anak ng isang politician ng dahil lamang sa away trapiko. tapos nagtago naging wanted sa batas at ayun nahuli na nga sya sa wakas at pamangkin sya ni freddie aguilar. si jason ivler ang laman ng mga balita kaliwat kanan.

  2. I;m sory, but I have no idea who Jason Ivler is….

    sa susunod, yung mga kilala nman ang pagkwentuhan nyo…

    • kawawa ka naman hindi ka nanunuod ng news. papatayin ka na lang ni jason d mopa alam sino sya. diyosmio kalokah ka. huwag kasi puro showbiz inaatupag, bigyan din ng time minsan ang national news ha?

Leave a Reply

Your email address will not be published.