Sipat Eklat #117

SIPAT: Hindi nagpapatulog ng male dancer sa bahay niya si Ryza Cenon.
EKLAT: Da who daw ‘yung Dancer? Ewan. Da who ba si Ryza Cenon?! Mas ewan.

SIPAT: ‘May bra ka ba?’ Tanong ni Erap kay Ai-Ai delas Alas.
EKLAT: Sagot daw sana ng komedyana, ‘Naka-viagra ka ba?’

SIPAT: Hindi na makabalik si Precious Lara Quigaman sa Wowowee.
EKLAT: Baka sa yate naman ni Willie Revillame, welcome siya?

SIPAT: ‘Kuya’ lang daw ang tingin ni Precious Lara kay Willie, e.
EKLAT: At least, hindi DOM.

SIPAT: May witness daw si Annabelle Rama nu’ng makipag-areglo siya kay Lorayne Pardo.
EKLAT: Publicist niya.

SIPAT: Type na type ni Jomari Yllana ang international singer na si Marie Digby.
EKLAT: ‘Buti naman nag-improve na ang taste niya.

SIPAT: Sino raw si Marie Digby? Youtube sensation na milyon-milyon ang fans sa Internet.
EKLAT: Sino naman si Jomari Yllana? Ex-mister ni Aiko Melendez. Ex-boyfriend ni Pops Fernandez. Ex-boyfriend ni Ara Mina.

SIPAT: Magandang concert promo ‘yung type ni Jomari Yllana si Marie Digby.
EKLAT: Resulta: Flop!

SIPAT: Uy, kinikilig si Aljur Abrenica sa ka-loveteam na si Kris Bernal!
EKLAT: At least, may isa nang kinilig sa loveteam nila.

SIPAT: “Be sure to have a stable mind.” Sey kay Annabelle Rama ng tatay ni Nomar Pardo, namatay na personal assistant ni Richard Gutierrez, na si Mang Ramon.
EKLAT: Translation: Bawasan ang pagkain ng Lechon Cebu.

SIPAT: “Hindi ko girlfriend si Melissa Ricks!” Deny ni Rayver Cruz.
EKLAT: Takot magulpi ni Jake Cuenca.

SIPAT: Nagpa-sexy na si Bea Alonzo!
EKLAT: Daming tomboy ang natuwa.

SIPAT: Kaseksihan ni Darna, ipantatapat kay Santino ng May Bukas Pa!
EKLAT: Sa Bibliya, tinukso ng demonyo si Hesus, ‘di ba?

loading...

One thought on “Sipat Eklat #117

  1. hahahaa

    SIPAT: Uy, kinikilig si Aljur Abrenica sa ka-loveteam na si Kris Bernal!

    EKLAT: At least, may isa nang kinilig sa loveteam nila.

    PWND!

    Pababagsakin daw ang KimErald???? nananaginip yata sila hahhaa

Leave a Reply

Your email address will not be published.