Sipat-eklat #197: Kapamilya, makinig: Claudine, proud na proud maging Kapuso!

SIPAT: ‘I’M REALLY PROUD TO BE A KAPUSO!’ Sey ni CLAUDINE BARRETTO.
EKLAT: OUCH, KAPAMILYA! OUCH!

SIPAT: FAN din daw si CLAUDINE ng SHOWS ng GMA-7, lalo na nang ‘DARNA.’
EKLAT: Wow… ang SHOWBIZ!

SIPAT: GUSTO rin daw MAKATRABAHO ni CLAUDINE si MARK ANTHONY FERNANDEZ, para MAGKAROON na sila ng CLOSURE.
EKLAT: CLOSURE po, ha? HINDI OPENING…

SIPAT: Dahil NAPIRATA raw si CLAUDINE ng KAPUSO, may PIPIRATAHIN din daw ang KAPAMILYA…
EKLAT: SINO ba ang PUWEDE at PANTAPAT nila?

SIPAT: ‘KASAWA na ang PURO REMAKE ng KOREANOVELA…
EKLAT: Ang PINOY talaga, puro na lang PANGGAGAYA. ‘Di ba, KA FREDDIE AGUILAR?

SIPAT: Pero OKAY na rin ang PINOY-STYLE KOREANOVELA.
EKLAT: Kesa mga FANTASERYE na WALANG KUWENTA.

SIPAT: HUMIHINGI si GINA ALAJAR ng PUBLIC APOLOGY sa ‘THE BUZZ’ sa PAGKAKADAWIT niya sa MANNY-KRISTA ISSUE dahil sa SHOUTOUT niya sa FACEBOOK niya. WALA raw KARAPATAN ang ‘THE BUZZ’ na IBUYANGYANG ang ACCOUNT niya.
EKLAT: ‘Yung SHOUTOUT na lang ni ROSANNA ROCES kasi ang TUTUKAN n’yo!

SIPAT: Nu’ng PUMUTOK ang VIDEO SCANDAL ni KATRINA HALILI kay HAYDEN KHO, ang DAMI palang nag-DONATE sa SEXY STAR, kasi akala nila TULUYAN nang NAWALAN ng RAKET si Katrina. UMABOT daw ng KALAHATING MILYON ang DONASYON.
EKLAT: Hmmm… ‘GANDANG IDEYA sa mga WALA nang CAREER!

SIPAT: HINDI raw AKALAIN ng BABAENG NABUNTIS daw ni MARK HERRAS na LALAKI ang ISYU.
EKLAT: ‘Neng, TUMAHIMIK ka, WALA nang ISYU!

SIPAT: Naks, idine-DEDICATE ni MANNY PACQUIAO sa asawang si JINKEE ang kantang ‘BORN FOR YOU’ nang mag-SHOW sila sa Mall of Asia.
EKLAT: NAG-IBA na ang TAKBO ng PROMO GIMMICK ni PACMAN sa PELIKULA niya!

SIPAT: ‘WAPAKMAN’ ang FILMFEST ENTRY nina PACMAN at KRISTA RANILLO.
EKLAT: HINDI po ang ‘ANG DARLING KONG ASWANG.’ Kina VIC SOTTO at CRISTINE REYES ‘yon.

SIPAT: Kung MAGSASAMA-SAMA sina MANNY, JINKEE at KRISTA sa ISANG PELIKULA…
EKLAT: Puwedeng titulo: ANG DARLING KONG INASWANG!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

8 thoughts on “Sipat-eklat #197: Kapamilya, makinig: Claudine, proud na proud maging Kapuso!

  1. dapat lang,,,, dapat matagal na syang lumipat…. masyado na kasing masikip sa CH 2 eh.. kaya dapat magbawas ang CH 2 Kung gusto nila talagang lumakas at pagharian ulit ang nationwide at worldwide at metro manila wide and and buong universe… kapag ginawa nila yan… magiging Galactic Station na sila… hehehe

  2. merong news na baka gawin ni claudine ang REMAKE nang “jewel in the palace”. wow, from TELESERYE QUEEN sa kapamilya station to REMAKE QUEEN sa gma, way to go claudine! bwahahaha!

    wala na ba talagang pag asa ang gma makagawa nang ORIGINAL concept na tatatak sa mga manonood! tsk tsk tsk… sabagay, gumawa sila nang mangilan-ngilan dati pero SABLAY! bwahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.