Sipat-eklat #192: Luis Manzano, deadma na talaga kay Angel Locsin?!

SIPAT: P3.5-M LANG ang KINITA sa FIRST WEEK of SHOWING ng ‘NANDITO AKO, NAGMAMAHAL SA ‘YO’ movie nina ALJUR ABRENICA at KRIS BERNAL.
EKLAT: FLOP talaga. PATI nga mga PIRATA HINDI GUMAWA ng KOPYA, e!

SIPAT: Pero LAKI ng BILIB ng KAPUSO sa DALAWA, may BAGONG TELESERYE pa sila.
EKLAT: LIBRE naman sa TV, HINDI tulad sa SINE na MINIMUM PAY, e, P150!

SIPAT: Na-DEPRESS daw si KRIS sa PAGSADSAD ng LAUNCHING MOVIE nila ni ALJUR?
EKLAT: TIYAK na si MOTHER LILY MONTEVERDE, HINDI lang na-DEPRESS.

SIPAT: Kung may TEAM PACQUIAO, may TEAM JINKEE na rin pala.
EKLAT: TEAM KRISTA… anyone?

SIPAT: INAYA pala ni ANGEL LOCSIN si PIOLO PASCUAL na SAMAHAN siya sa INTERNATIONAL EMMYS. ‘WALA naman akong MAISIP na ISAMA rito kundi SIYA lang,’ sey pa ni ANGEL.
EKLAT: DEADMA na talaga si LUIS MANZANO!

SIPAT: MATALIK na MAGKAIBIGAN lang daw SILA ni KRISTA RANILLO, sey ni MANNY PACQUIAO.
EKLAT: SARAP maging BEST FRIEND ni PACMAN!

SIPAT: ‘MATALIK’ po, ha? Paki-DOUBLE CHECK ang SPELLING…
EKLAT: HINDI naman PUWEDENG MAGTALIK ang mag-BEST FRIEND, ‘di ba?

SIPAT: Sey ni MOMMY DIONESIA, ‘HINDI ko KILALA si KRISTA! HINDI ko sila NAKIKITANG MAGKASAMA ni MANNY!’
EKLAT: E, MOMMY D… nasa BAGUIO ba kayo? Sa RELIEF OPERATION ni PACMAN… sa HONGKONG?

SIPAT: Magre-REFORMAT daw ang WOWOWEE.
EKLAT: Ay, RETAIN po si WILLIE REVILLAME. Of course!

SIPAT: BIGYAN natin ng MASIGABONG PALAKPAKAN si EFREN PEÑAFLORIDA dahil siya ang CNN HERO OF THE YEAR dahil sa kanyang KARITON CLASSROOM project.
EKLAT: HINDI niya KAILANGANG MANAKIT para maging BAYANI, ‘yan ang TUNAY na DAPAT IKARANGAL ng mga PINOY!

SIPAT: ‘Kapag ako nag-PASKONG WALA ang APO ko, MAGIGING KULAY-ABO ang LANGIT nila!’ BIRADA ni ROSANNA ROCES sa mga REVILLA.
EKLAT: Aba, PUWEDE na PALA si OSANG MAGTRABAHO sa PAGASA!

SIPAT: KAWAWA naman ang ANAK nina JOLO REVILLA at GRACE ADRIANO, ‘no?
EKLAT: NAGAGAMIT sa PUBLICITY ng LOLA, e!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

8 thoughts on “Sipat-eklat #192: Luis Manzano, deadma na talaga kay Angel Locsin?!

  1. SIPAT: Pero LAKI ng BILIB ng KAPUSO sa DALAWA, may BAGONG TELESERYE pa sila.
    EKLAT: LIBRE naman sa TV, HINDI tulad sa SINE na MINIMUM PAY, e, P150!

    Note: P130 pag Box-Office at P110 ordinary rate sa SM at Robinson.

  2. Natural, himala nlng, pg nawala si WILLIE REVILLAME s WOWOWEE. Msya q pg wla c willie, naku!! UBOD TLGA NG YABANG!!

  3. si efren ang tunay na bayani dahil mas nakakatulong siya sa bayan.
    si manny bagama’t maraming karangalan eh pang-sarili lamang niya iyon at sinasabi niya lang na para sa bayan ang karangalang iyon.

    • Congrats efren..ikaw talaga ang tunay na BAYANI…ikinararangal ka hindi lamang ng mga kapwa mo Cavitenio kungdi buong Pilipinas at mga pinoy sa buong mundo..ispider may punots ka kabayan, bagamat, nakakapagdala din ng karangalan si Manny sa ating bansa at matulungin din sa mga nangagailanagan…ibang klase itong kay Efren hindi nia kelangan ng maraming pera o maging isang politiko pra lamang makatulong, oo meron mga nag-aambag at nagbibigay din sa kanya…ngunit ito’y isang kawang gawa na mula sa puso…napatunayan ng pinoy na pede tayong makatulong ng walang kapalit gaya ng ginagawa ni EFREN…kaya pra sa yo, MABUHAY KA,IKAW ANG TUNAY NA MATATAWAG NA ISANG BAYANI!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.