Sipat-eklat #167: Angel Locsin at Marian Rivera, friends naman pala!

SIPAT: NAGBABALIK si BLAKDYAK sa MUSIC SCENE!
EKLAT: Nag-BLACKOUT kasi ang CAREER niya noon, e.

SIPAT: Ay, NAWALA pala sa EKSENA si BLAKDYAK?
EKLAT: HINDI namin NARAMDAMAN. Pramis.

SIPAT: May PLANO bang MAGING PASTOR si JERICHO ROSALES?
EKLAT: Aba, BAWAT SAGOT niya laging KASAMA, ‘ngalan ni LORD. Pero NICE naman, ‘di ba? KELAN BIBLE STUDY natin, BRO. ECHO?

SIPAT: SEGWEY sa MADERAKA ng SEXY STAR na NAMUMUTIKTIK din ang BIBIG sa kame-MENTION sa ‘ngalan ni LORD…
EKLAT: Uy, ang KAPAL ng BINABASA lagi ni MADERAKA… Bible? Hindi. TRANSCRIPT ng ESTAFA CASE niya.

SIPAT: MAGANDA naman ang RATING ng STAIRWAY TO HEAVEN, ‘di ba? Kaya ‘WAG nang LAGYAN ng GIMMICK na ISINASABIT si MARIAN RIVERA.
EKLAT: Baka LUMAYLAY pa…

SIPAT: May STALKER si JOHN JAMES UY!
EKLAT: Teka, i-GOOGLE ko muna kung SINO SIYA?

SIPAT: Si CARMI MARTIN, may ka-DATE na ‘THUNDER CAT,’ tip ng isang SOURCE.
EKLAT: Sus, OKAY lang… ‘THUNDER KITTY’ na rin naman si CARMI.

SIPAT: NABUGBOG na naman si BARON GEISLER sa ISANG BAR dahil sa KALASINGAN?
EKLAT: MAGULAT tayo kung HINDI siya LASING nang MABUGBOG.

SIPAT: FRIENDS naman pala sina ANGEL LOCSIN at MARIAN RIVERA. Pinuntahan pa ni ANGEL mismo si MARIAN sa CONDO nito para KUNIN ang DONATION nitong BAG sa FUND-RAISING PROJECT nina ANGEL at ANNE CURTIS.
EKLAT: Ang MAGKAAWAY lang talaga… ang mga FANS nila!

SIPAT: Parang MAGPAPATAYAN sa TINDI ng PATUTSADAHAN ang FANS ng DALAWA.
EKLAT: KEBER naman ng IDOLO nila!

SIPAT: Mag-DONATE kaya ang FANS ni DARNA kay ANGEL ngayong mismong IDOLO nila, e NAGBIGAY na?
EKLAT: Hmmm… DEAL or NO DEAL?

SIPAT: E, ang FANS kaya ni ANGEL, mag-DONATE din sa IDOLO nila?
EKLAT: SURVEY SAID….!

SIPAT: PALAKPAKAN na lang nga natin sina ANGEL at MARIAN. GOOD KARMA ang KAPALIT n’yan.
EKLAT: Si ANGEL, sana MANALO sa EMMYS. Si MARIAN, sana KUMITA na ang NEXT PELIKULA…

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

9 thoughts on “Sipat-eklat #167: Angel Locsin at Marian Rivera, friends naman pala!

  1. EKLAT: Si ANGEL, sana MANALO sa EMMYS. Si MARIAN, sana KUMITA na ang NEXT PELIKULA…

    wahahahahaha! Naloka ako sa last line!wahahahaha

  2. lahat na lang ng magkasama sa isang soap nilalagyan ng love angle kahit di kapani-paniwala, kakasawa na ha! i link niyo na lang ulit si rhian kay DJ Mo hahaha! ayaw ni Tita Ida ng ganyan!

    si echo pala ang ipinalit kay JLC sa Clear tvc? demanding na yata ni JLC ha ayaw masapawan ni ate Piolo!

    ang mga fans lang naman talaga ang nagbabangayan sa internet. sobrang manlait kasi ang iba kaya ako naman pinagtatanggol ko ang underdogs! naalala ko tuloy ang angels movie na starred and produced ni angel dati bakit kaya nag flop?

    • kawawa ka naman galit na galit ka kay Angel na sobra ang bait.. tanungin mo kung sino ang FLOPSINA QUEEN,, sasagutin ka ni Mother Lily… Hihihihi

    • sus ikaw nga ang nangunguna sobrang manlait ba himala hindi na masyado ano nakain mo? lhat ng na-iinvolve na nega k marian nilalait mo c rhian nman ngayon…

    • Wow, it’s obvious. You’re a Marian fan. Why not ask Marian why her movies are ALL flops. Even her shows are low in the ratings. Isn’t she the FLOPSINA QUEEN?

    • Tumpak! hindi na raw matutuloy ang Nieves ni Marian Rivera, hmm natakot si Mother Lily, hanggang ngayon bukod sa MBFGF nila ni Richard (eh dahil kay Richard G lang to kaya kumita) eh walang kumita na pelikula ang sinasabing sikat na aktres na to..saan ba.. eh di sa libreng TV!

      • wag na kayong magtalo dahil wala naman breeding si marian; pinoy parazzi issue today, 10/29/09.

        At naloka raw ang ate ni TV host sa nakita niya sa ginawa ni Marian. Wala raw kasi itong pakia­lam na nangulangot sa harap ni dingdong na hindi man lamang gumamit ng tissue.

Leave a Reply

Your email address will not be published.