Sipat-eklat #164: Pinoy Big Brother, nagtuturo ng maling asal?

SIPAT: DEPRESSED lang si SUNSHINE DIZON at HINDI BUNTIS kaya siya NAOSPITAL.
EKLAT: Uy, ang PAGBUBUNTIS nakaka-DEPRESS, ayon sa mga DOKTOR.

SIPAT: OUT na si SUNSHINE sa TINIK SA DIBDIB teleserye, PINALITAN na siya ni NADINE SAMONTE.
EKLAT: Haayy… WALA na ring TINIK sa DIBDIB nila ang STAFF ng PROGRAMA.

SIPAT: MAGBABAKASYON daw muna sa AMERIKA si SUNSHINE.
EKLAT: BABALIK siya ng ‘PINAS… AFTER 9 MONTHS?

SIPAT: Uy, si WENDY VALDEZ, ang TSISMIS, e, BUNTIS din?
EKLAT: ‘HINDI, ‘no?’ Depensa ng CLOSE FRIEND ng ex-housemate sa BAHAY ni KUYA. ‘Katatapos lang niyang mag-REGLA!’

SIPAT: Sey pa ng ka-TROPA ni WENDY, ‘pag HINDI TINANTANAN ng TSISMIS ang FRIEND niya…
EKLAT: IPAKIKITA niya ang EBIDENSIYA! Ewwww….!

SIPAT: VERY HEALTHY si CARLOS AGASSI nang RUMAMPA sa BENEFIT SHOW ng STAR MAGIC. DISPROVING ang TSISMIS na may SAKIT siya sa ATAY dahil daw sa PAGGAMIT ng STEROIDS.
EKLAT: At kapag HINDI pa rin NAMATAY ang TSISMIS, IPAKITA mo na rin ang ATAY mo, CARLOS!

SIPAT: BAKIT kaya ang TSISMIS, ang TAGAL MAMATAY?
EKLAT: Samantalang ‘yung CAREER ni CARLOS, e, MATAGAL nang…PATAY?

SIPAT: NATSUGI ang EPISODE ng GUESTING ni ROSANNA ROCES sa JUICY ng TV5, kahit X-RATING, e, hindi NABIGYAN ng MTRCB.
EKLAT: Hindi bale, OSANG, may FACEBOOK ka pa naman. HINDI SAKOP ng MTRCB ‘yon!

SIPAT: PINALITAN ni HEART EVANGELISTA sina ANGEL LOCSIN at KIM CHIU sa MANO PO 6 at si KRISTINE HERMOSA naman sa JUAN.
EKLAT: Kaya IPINUTONG na sa kanya ang KORONA ng… ‘SALO QUEEN!’

SIPAT: Teka, si CRISTINE REYES naman ang SUMALO ng ROLE ni HEART sa PATIENT X, ‘di ba? At si RICHARD GUTIERREZ ang SUMALO kay CRISTINE sa TUKTOK ng LUMUBOG na BAHAY niya…
EKLAT: Ang saya-saya! SALO-SALO TOGETHER na SILA!

SIPAT: ‘NOOD kayo ng PINOY BIG BROTHER, pino-PROMOTE sa REALITY SHOW na OKEY lang KUMALIWA si MISIS kung KINALIWA siya ni MISTER.
EKLAT: Aba, puwede nang GAWAN ng BAGONG TV SHOW ‘yan – KALIWA ni MISTER, KALIWA ni MISIS. At si BIG BROTHER ang DIREKTOR.

SIPAT: KAPUPULUTAN pa ng MAGAGANDANG ARAL ang PINOY BIG BROTHER.
EKLAT: AYOS lang MAGSINUNGALING, basta MAY PREMYONG PERA!

SIPAT: ‘BUTI pa ang SURVIVOR, mas EXCITING ang CHALLENGE.
EKLAT: ‘WAG lang MAGKAKAROON ng LEAKAGE sa WINNER nila.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

8 thoughts on “Sipat-eklat #164: Pinoy Big Brother, nagtuturo ng maling asal?

  1. totoo lang walang tinuturong magandang asal c kuya, pinalalabas nya na tama ang magsinungaling at manloko sa loob ng bahay…..very clear ang message…i hope MTRCB will do something about it…

    • i think u are very wrong..yes there are values u can learn from it…
      tanga ka na lang kung hindi mo un na gets…
      dahil sa tasked nila pat and cathy to pretended as a wife and a husband gave jimson a lesson n even patrick kac dba babaero cla…now they know how it feels kung my iba ang mahal mo….and now they understood thier partners wot they’ve d been through…

Leave a Reply

Your email address will not be published.