Sipat-eklat #158

SIPAT: Na-BAD TRIP daw si RICHARD GUTIERREZ, kasi, DATE nila ni JEWEL MISCHE sa MALAYSIA, e NAPURNADA. Na-LATE daw kasi sa BOARDING TIME ang dalawa, kaya NAPAGSARHAN ng eroplanong sasakyan nila.
EKLAT: Akala siguro PRESSCON, kaya feeling nila OKAY lang na ma-LATE sila.

SIPAT: Teka, MAGSYOTA ba sina RICHARD at JEWEL?
EKLAT: Uy, baka naman NAGKATAON lang na SABAY silang PAPUNTA ng Malaysia!

SIPAT: SABAY din silang NAPAGSARHAN sa BOARDING GATE, nagkataon lang din?
EKLAT: Siguro… Pero for sure, SABAY din naman nilang ide-DENY ito, e.

SIPAT: E, ‘yung NAGWALA raw si RICHARD dahil HINDI na nga sila PINASAKAY ni JEWEL, TRUE kaya?
EKLAT: Ay, HINDI MAGAGAWA ni RICHARD ‘yan! ITANONG n’yo pa kay ANNABELLE RAMA.

SIPAT: Sey din pala ni TITA ANNABELLE, HINDI GIMMICK ang pag-RESCUE ni RICHARD kay CRISTINE REYES nang LUMUBOG ang BAHAY ng batang aktres dahil kay ONDOY.
EKLAT: Siyempre, MOTHER KNOWS BEST!

SIPAT: SIKAT lang talaga si RICHARD, kaya ang INTRIGA sa kanya, e, KABI-KABILA.
EKLAT: Hindi bale, NAND’YAN naman ang NANAY niya na MAGTATANGGOL sa kanya.

SIPAT: KONTING GALOS lang ang TINAMO ni SAM MILBY nang TUMAOB ang VAN niya.
EKLAT: ‘Buti na lang. Ang MAHAL kayang MAGPARETOKE!

SIPAT: Uy, nagde-DATE na naman sina SAM at ANNE CURTIS.
EKLAT: ‘Yun, e ‘pag WALANG DATE sina SAM at BEA ALONZO.

SIPAT: NANLIGAW pala si CHRISTIAN BAUTISTA kay KARYLLE, pero nag-BACKOUT ang singer.
EKLAT: Mas TYPE daw kasi ni Karylle si JERICHO ROSALES. BARAKONG-BARAKO raw kasi ang dating, sey ng isang source.

SIPAT: IBINUKING ni WILLIE REVILLAME na nag-DATE sa YATE niya sina JOHN LLOYD CRUZ at RUFFA GUTIERREZ.
EKLAT: ‘Kaaliw. Naging THE BUZZ ang WOWOWEE!

SIPAT: IBINUKING naman ni RUFFA na NANLILIGAW si WILLIE kay LORNA TOLENTINO.
EKLAT: Naku, PAPI, pa’no na ‘yung IBA na nasa LISTAHAN mo?

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Sipat-eklat #158

  1. hoy kalalaki mong tao e npaka tsismoso mo o bka nman nagpapakalalake k lang pero berde nman Ang dugo mo eric borromeo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.