Sipat-eklat #157

SIPAT: FLOP ang LAUNCHING MOVIE ng LOVETEAM nina ALJUR ABRENICA at KRIS BERNAL, bulong ng isang source.
EKLAT: Uy, HINDI naman! LOW-BUDGET ang pelikula. Kaya KUMITA pa rin… siguro.

SIPAT: In fairness, MAGANDA ang NANDITO AKO… NAGMAMAHAL SA ‘YO, depensa ng isang nakapanood.
EKLAT: WALA lang STAR POWER ang mga BIDA.

SIPAT: Para ring NASALANTA ng bagyong ONDOY si MOTHER LILY MONTEVERDE, ‘no?
EKLAT: SUNOD-SUNOD na FLOP ang mga PELIKULA ng REGAL FILMS.

SIPAT: Sana MAKABAWI sa NIEVES ni MARIAN RIVERA na FILMFEST ENTRY daw ng Regal ngayong DECEMBER.
EKLAT: ‘Yan ay kung PANONOORIN ng FANS ni MARIAN at HINDI panay TUNGAYAW lang na SIKAT ang IDOLO nila.

SIPAT: NAPANSIN n’yo ba na laging KAPUSO ang BIDA sa mga pelikula ni MOTHER LILY?
EKLAT: AYAW yatang MAGPAHIRAM ng KAPAMILYA. Baka nga naman MAHAWA pa!

SIPAT: NAKAKABILIB din naman si MOTHER LILY. PANAY pa rin ang PAGGAWA ng PELIKULA kahit na MALUGI siya.
EKLAT: I-SHARE n’yo na kasi ang TALENTS n’yo, Kapamilya.

SIPAT: MAGANDANG PROMO ang pag-RESCUE ni RICHARD GUTIERREZ kay CRISTINE REYES para sa PATIENT X movie nila.
EKLAT: Medyo PUMALPAK nga lang.

SIPAT: Teka, HINDI naman daw si RICHARD ang SUMAGIP kay CRISTINE.
EKLAT: Ibig sabihin, pati ang NEW YORK POST, e NAKURYENTE sa BALITA nila?

SIPAT: GIMMICK ang RESCUE ATTEMPT ni RICHARD kay CRISTINE?
EKLAT: Uy, HINDI naman! NAGKATAON lang na naka-READY na ang mga TV CAMERA.

SIPAT: ‘WAG nang INTRIGAHIN ang pag-RESCUE ni RICHARD kay CRISTINE.
EKLAT: HINDI pa PROMO PERIOD ng PELIKULA nila.

SIPAT: HINDI raw NAGSELOS si MARIEL RODRIGUEZ kay PIOLO PASCUAL nang MAKASAMA nito si ZANJOE MARUDO sa PARIS, FRANCE.
EKLAT: KUMPIRMADO! MAHAL talaga ng TV HOST ang BOYFRIEND niya.

SIPAT: Saka mag-BRO sina PIOLO at ZANJOE, kaya CLOSE talaga sila.
EKLAT: Pareho sila ng PANANAMPALATAYA. CHURCH MATE sila, ‘no!

SIPAT: Teka, BAKIT naman MAGSESELOS si MARIEL kay PIOLO?
EKLAT: Eh, PAREHONG BARAKO ang DALAWA. ‘Di ba? ‘DI BA? HINDI BA?

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

6 thoughts on “Sipat-eklat #157

  1. oo nga naman Papa Azzi hindi kasi flop ang Love Me Again, Villa Extrella, I’ve Fallen For You, Dreamboy ng star cinema di ba? Di Ba? Hind Ba?

    may STAR POWER ang mga kapamilya gaya ni Juday kaya flop ang Ploning at OMG di ba? hindi ba?

    sikat na sikat din si Piolo dahil sa STAR POWER kaya flop din ang MANILA di ba? hindi ba?

  2. Hindi lang naman REGAL ang FLOP ang movies kundi GMA Films. Na puro press release lang na kumita kuno ang movie pero indi naman.

    To all READERS: pag kumita ang movie ang ticket price ay P130 at P110 pag indi kumita. Wag kayo maniniwala sa press dahil bayaran sila. Just check ung sinehan kung how much. At sa SM, nilalagay nila pag box-office.

    I am a Marian fanatic. I hope na makakabawi din sya pag gumawa sya ng movie sa Star Cinema. Magaling sya kaya lang Regal Films at GMA Films lang kasi ang pwede nyang labasan sa ngayon.

  3. mother lily, sa star cinema ka na lang makipag-co-produce ng movie. sayang naman ang pagiging matagal mo na sa movie industry kung panay ala kita. ang nieves e pangit din ang dating. super corny pa. walang appeal. mabuti pa i-remake mo ang lipad, darna, lipad, at co-produce nyo ng star cinema. kung papayag ang mga ravelo na sa movie e star cinema ang gumawa….

  4. Ha ha ha! GMA talents, puro flop ang movies. Marian’s Tarot is also a flop. Papaanong makakabawi ang Nieves? Mother Lily should start weighing her options bago malugi nang todo at hindi na makabangon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.