Sipat-eklat #142

SIPAT: TINDI rin ni CARLO AQUINO, ‘gang NGAYON pala NANLILIGAW pa rin ito kay MAJA SALVADOR.
EKLAT: Baka maging KAONG na ‘yan, hijo!

SIPAT: MATINDI siguro ang PAGMAMAHAL niya kay MAJA.
EKLAT: Baka MANHID lang din.

SIPAT: Bawat INTERBYU kay CARLO laging NATATANONG ang PANLILIGAW niya kay MAJA.
EKLAT: ‘HIGIT DALAWANG TAON na po ‘yon, huh!

SIPAT: SAGUTIN mo na kasi si CARLO, Maja.
EKLAT: TAPOS BREYKIN mo rin. Para may IBA namang PAG-USAPAN sa kanya.

SIPAT: NABUKING ni ANGEL LOCSIN ang TEXT MESSAGES ni LUIS MANZANO kay MARICAR REYES, tsika ng isang SITSIT.
EKLAT: Hintay-hintay lang… BAKA may SEX VIDEO pa.

SIPAT: HINDI lang kay MARICAR may mga TEXT si LUIS, sa IBA pang GIRLS meron din, dagdag pa ng sitsit.
EKLAT: ULITIN namin, sa ‘GIRLS’ at WALANG ‘BOYS’, ha?

SIPAT: MUNTIK nang TANGGALIN si KRISTINE HERMOSA sa TV show niya.
EKLAT: FEELING KA-LEVEL niya kasi si LORNA TOLENTINO.

SIPAT: “DAPAT SINIPA na si KRISTINE HERMOSA. Masyadong PASAWAY!” Tili ng isang MAHADERANG KAPAMILYA.
EKLAT: Ganyan talaga… ‘pag PALAOS na.

SIPAT: CLASSIC EXAMPLE si ROSANNA ROCES sa naging PASAWAY muna baka tuluyang NALAOS.
EKLAT: Uy, NAPAG-UUSAPAN pa naman si OSANG… bilang PAGBABALIK-TANAW.

SIPAT: Si JACKIE RICE naging PASAWAY, NAWALAN ng PROJECTS.
EKLAT: Pero nang NAWALAN ng SAPLOT, NAGKAROON uli ng RAKET!

SIPAT: Si OSANG ‘pag NAGHUBAD kaya uli, SISIKAT pang muli?
EKLAT: NAGPAPAKO na nga sa KRUS ang LOLA n’yo, WALA ring NANGYARI.

SIPAT: LILIGAWAN ni WILLIE REVILLAME si LORNA TOLENTINO.
EKLAT: Ito ba ay: A) ILUSYON LANG; B) PROMO GIMMICK; C) WALANG KWENTANG ISYU; D) ALL OF THE ABOVE

SIPAT: In fairness kay LORNA T, HOT MOMMA pa rin siya ‘gang NGAYON!
EKLAT: In fairness kay WILLIE, MARAMI siyang PERA.

SIPAT: Blind Item: NAGPARASPA ang SEXY ACTRESS. IPINABUBURA niya NGAYON ang RECORD sa OSPITAL.
EKLAT: Clue: KAHIT sa DILIM, MADALI siyang MAKILALA.

SIPAT: May LAUNCHING MOVIE ang LOVETEAM nina ALJUR ABRENICA at KRIS BERNAL under REGAL FILMS.
EKLAT: Si MOTHER LILY talaga, NAGTATAPON ng PERA!

loading...

2 thoughts on “Sipat-eklat #142

  1. SIPAT: May LAUNCHING MOVIE ang LOVETEAM nina ALJUR ABRENICA at KRIS BERNAL under REGAL FILMS.

    EKLAT: Si MOTHER LILY talaga, NAGTATAPON ng PERA!

    hahahahha

    Patataubin daw ang Kimerald Loveteam???? Kulangot lang sila ni Kim hahahahhaa

  2. SIPAT: LILIGAWAN ni WILLIE REVILLAME si LORNA TOLENTINO.
    EKLAT: Ito ba ay: A) ILUSYON LANG; B) PROMO GIMMICK; C) WALANG KWENTANG ISYU; D) ALL OF THE ABOVE

    hahaha……. D. ALL Of The above..

Leave a Reply

Your email address will not be published.