Sipat-eklat #141

SIPAT: NAKAKATAKOT ang TAROT movie ni MARIAN RIVERA at DENNIS TRILLO, tsika ng isang NAKAPANOOD nito.
EKLAT: MAS NAKAKATAKOT ang KINITA nito. ‘WALA pang P5-M!’ Tsika naman ng isang taga-REGAL FILMS.

SIPAT: CERTIFIED FLOP ang PELIKULA at BIDA pa si MARIAN, huh!
EKLAT: Dapat HAMBALUSIN ang MANAGER ni DARNA, KUMITA lang kahit BASURA IPINAGAGAWA sa kanya!

SIPAT: BAKA ayaw ng FANS ni MARIAN na nasa HORROR siya.
EKLAT: O, baka WALA naman talagang FANS si Darna?

SIPAT: Uy, ‘SANGKATERBA ang TAGAHANGA ni MARIAN! TOP-RATING ang DARNA, ‘no!
EKLAT: LIBRE kasi sa TV. Sa SINE may BAYAD!

SIPAT: DALAWA na ang TITULO ni MARIAN: QUEEN of PRIMETIME…
EKLAT: …at FLOPSINA QUEEN.

SIPAT: May KUMITA naman yatang PELIKULA si MARIAN. Teka, ISIP kami…
EKLAT: Ay, WALA talaga.

SIPAT: ‘BUTI na lang IKINONTRATA na uli ng ABS-CBN si ANNE CURTIS.
EKLAT: NABITIN ang KAPUSO sa PAGBABALIK ng DYOSA sa kanila.

SIPAT: “TRULILI na LILIPAT na si ANNE sa GMA-7, ‘no!” Taray ng isang RELIABLE SOURCE.
EKLAT: Kaya pala URA-URADA NAGKAROON ang Dyosa ng BAGONG KONTRATA.

SIPAT: GRABE pala ‘pag may SHOW si SAM MILBY. UMIIKOT ang HUNK ACTOR sa AUDIENCE na PANAY ang HALIK sa kanya.
EKLAT: “AMOY LAWAY na si PAPA SAM!” Tili ng isang FAN na HINDI na HUMALIK. ‘Kadiri na kasi, ‘no!

SIPAT: BUKING na ang SIKRETO ni PAPA SAM sa MAKINIS niyang FACE…
EKLAT: LAWAY ng kanyang FANS! Ewww…

SIPAT: DAPAT GAWIN din ng ISANG COMEDIAN ang PAGPAPAHALIK na STYLE ni PAPA SAM…
EKLAT: I-suggest natin kay CHOKOLEIT!

SIPAT: Pero baka hindi KISS ang GAWIN nila kay CHOKEY…
EKLAT: Baka DURAAN nila. Kawawa naman.

SIPAT: MALUNGKOT siguro’ng BUHAY ni CHOKEY…
EKLAT: ‘Pag GUMANDA kasi siya, MAWAWALAN siya ng RAKET.

SIPAT: Blind Item: SUGGESTION ng SIKAT na TV HOST-ACTRESS na GUMAWA sila ng SITCOM ng NOTORIOUS TV HOST-COMEDIAN, IBINASURA ng TV EXECUTIVES.
EKLAT: Clue: Pareho silang TAKLESA!

loading...

9 thoughts on “Sipat-eklat #141

  1. Kung sino ka man na writer ng item tungkol sa box-office result ng Tarot, sumulat ka ng maayos na nakalagay ang pangalan mo, para naman mapatuyan kung totoo ang pinagsasabi mo, at ng magkaroon naman ng dignity ang mga bitter kay Marian at nagbubunyi na failure ang pelikula! Hindi iyong pare-pareho kayong nag-iimbento at nag-iilusyon!!

  2. O eh di lumabas din ang katotohanan na FLOPsina ang Tarot movie ni PALINGKERANG_ANACONDA hindi kasi matanggap ng mga Anaconda fans eh, in denial pa sila kasi for them she is the biggest & the hottest star daw ni wala pa ngang movie na blockbuster o box office hit, magiging biggest star lang siya kung may nag-mega hit siyang movie. Truth hurts?!?!?

Leave a Reply

Your email address will not be published.