Sipat-eklat #134

SIPAT: SPONSORED ni MANNY VILLAR ang SHOW ni WILLIE REVILLAME sa DAVAO?
EKLAT: Kaya pala BINAGYO. AYAW ng KALANGITAN.

SIPAT: Pero NAPADAAN lang daw si SENADOR MANNY roon.
EKLAT: Ang GALING naman ng TIMING ng laking-TONDO!

SIPAT: SIYENTO BEINTE MIL katao nagsiksikan sa Agro Football Field, makita lang si PAPI.
EKLAT: ‘IMPOSIBLE!’ Kontra ng isang taga-DAVAO. ‘POSIBLE!’ Sey ng LOYALIST ni WILLIE, siyempre.

SIPAT: NANGAKO pala si PAPI na MAMUMUDMOD ng PERA, kaya LAKSA-LAKSA ang NAGPUNTA.
EKLAT: FLASHBACK ng ULTRA?

SIPAT: TATAKBO sa SENADO si CARLO J. CAPARAS?!
EKLAT: KUWENTONG KOMIKS lang sana ang BALITA.

SIPAT: IDINADAWIT si ANNE CURTIS sa SPLIT nina LUIS MANZANO at ANGEL LOCSIN.
EKLAT:OUT na ang isang SEXY STAR? At isang MALE COMMERCIAL MODEL?

SIPAT: DEDMA na lang si ANNE sa isyu…
EKLAT: Hindi naman siya SEXY STAR at lalong hindi ‘MALE’.

SIPAT: HINDI raw si MARICAR REYES ang THIRD PARTY, sey naman ni I-love-you-LUCKY.
EKLAT: WAIT naman tayo kung si ANGEL, ididenay ‘yung MODEL…

SIPAT: MAG-ON sina LUIS at MARICAR, mahirap PANIWALAAN ‘yan.
EKLAT: UNLESS may KUMALAT na SEX VIDEO.

SIPAT: HINDI pala KILALA ni IMELDA PAPIN si YENG CONSTANTINO.
EKLAT: Well, the FEELING is MUTUAL.

SIPAT: TALUNAN sa Pinoy Dream Academy si GEOFF TAYLOR, BIG WINNER sa Are You The Next Big Star.
EKLAT: DUMPSITE ng DOS ang SIYETE?

SIPAT: Teka, si RONNIE LIANG, na-DISQUALIFIED sa Pinoy Pop Superstar, ngayon SIKAT (daw!) sa DOS, ‘di ba?
EKLAT: PUKULAN ng BASURA ang RIVAL NETWORKS!

SIPAT: SINUNGITAN ni PIOLO PASCUAL si Direk JOYCE BERNAL.
EKLAT: Ang TARAY, ‘di ba?

SIPAT: May titulo na si EUGENE DOMINGO – ‘DYOSA ng KOMEDYA.’
EKLAT: Naku, sana KUMITA ang PELIKULA niya. Nakaabang na kasi ang titulong ‘DYOSA FLOPSINA.’

SIPAT: OUT na si BEA ALONZO sa koronang ‘yan. In fairness, KUMITA ang I LOVE YOU SO.
EKLAT: Pero CONTENDER pa rin si MARIAN RIVERA para sa pelikulang TAROT…

SIPAT: GUSTO ni JOMARI YLLANA, mga EX niya ang MAKA-DUET niya sa Celebrity Duets.
EKLAT: SILA lang kasi ang naka-TAKE ng BOSES niya.

loading...

2 thoughts on “Sipat-eklat #134

  1. SIPAT: TALUNAN sa Pinoy Dream Academy si GEOFF TAYLOR, BIG WINNER sa Are You The Next Big Star.
    EKLAT: DUMPSITE ng DOS ang SIYETE?

    ^
    /

    KORAK!

Leave a Reply

Your email address will not be published.