Sipat-eklat #133

SIPAT: TRUE-TO-LIFE ba ang DARNA sa BUHAY ni MARIAN RIVERA?
EKLAT: Kasi PAREHO nang ang TAAS-TAAS ng LIPAD nila!

SIPAT: Kung si DARNA ay NAKALILIPAD dahil may SUPER POWER, pa’no naman NAKALILIPAD si MARIAN?
EKLAT: Dahil LUMOBO na ang ULO niya?

SIPAT: Bakit ba ang NEGA pa rin ni MARIAN?
EKLAT: Gano’n talaga, SIKAT siya, e. Sey mo, CARLA ABELLANA?

SIPAT: Nag-COLLAPSE si CARLA sa taping ng ROSALINDA?
EKLAT: Siguro hindi na KINAYA ang SUPER PATUTSADA ni DARNA.

SIPAT: DINUMOG si WILLIE REVILLAME sa DAVAO CITY!
EKLAT: LIBRE naman kasi, e.

SIPAT: MAHIGIT sa SINGKWENTA MIL ang DUMAGSA para MAKITA si WILLIE!
EKLAT: Walang DAYA sa BILANGAN ‘yan, ha?

SIPAT: Kaya lang, BUMUHOS ang NAPAKALAKAS na ULAN pagkanta ni PAPI.
EKLAT: Pati KALIKASAN, AYAW na talaga sa kanya.

SIPAT: NAKILUHA ang LANGIT kay WILLIE?!
EKLAT: Baka naman NAKILUKSA?

SIPAT: ABANG-ABANG na lang daw sa PAGBALIK ni PAPI sa WOWOWEE.
EKLAT: ENJOY muna siya sa BAKASYON niya… mas MASAYA ang SHOW na WALA siya.

SIPAT: In fairness, MALAKAS pa rin ang HATAK ni Papi. PUWEDE na siyang GUMAWA ng sariling SHOW niya!
EKLAT: PATAY na kayo, KAPAMILYA!

SIPAT: NO COMMENT na si LUIS MANZANO sa BREAK-UP nila ni ANGEL LOCSIN.
EKLAT: Less talk. Less mistake. LESS BUKING…

SIPAT: MANNY PACQUIAO at ARA MINA, naispatan sa isang HOTEL?
EKLAT: NAGLALARO ng POKER si PACMAN… si ARA, tapos nang LARUIN si MANNY?

SIPAT: Blind Item: May LOVE TRIANGLE ang tatlong HUNK ACTORS…
EKLAT: Clue: PANG-GULO lang ang SIKAT na YOUNG ACTRESS!

Related Post

loading...

4 thoughts on “Sipat-eklat #133

Leave a Reply

Your email address will not be published.