Sipat-eklat# 132

SIPAT: ‘GUY’ ang THIRD PARTY sa hiwalayang LUIS MANZANO-ANGEL LOCSIN, sey ng isang SOURCE.
EKLAT: HULAAN n’yo na lang kung KANINO na-INVOLVED.

SIPAT: SECOND OFFENSE na raw ito… Nino?
EKLAT: PAHULAAN pa rin… Of course!

SIPAT: Ang SAKIT-SAKIT ‘pag may THIRD PARTY, ‘no?
EKLAT: Lalo na ‘pag GUY…

SIPAT: HINDI raw SAD si ANGEL sa HIWALAYAN nila ni LUIS, sey ng CLOSE FRIENDS niya.
EKLAT: NATAUHAN na kasi.

SIPAT: NAGDUDUDUWAL si RUFFA GUTIERREZ lately?
EKLAT: PIYESTA na naman ang TABLOID showbiz writers!

SIPAT: HINDI niya yata kasi SINUNOD ang PAYO ni JOHN LLOYD CRUZ, e.
EKLAT: ‘Yun bang… INGAT!

SIPAT: Nakikinita na namin si ANNABELLE RAMA…
EKLAT: Tumitili nang: SUMASAKIT ANG ULO KO SA INYONG DALAWA!

SIPAT: Naging MALISYOSO naman tayo agad. NAGDUDUDUWAL lang naman si RUFFING, ah!
EKLAT: Baka naman hindi NAGUSTUHAN ang IPINAKAIN ni LLOYDIE…

SIPAT: Wala namang INAMIN sina LLOYDIE at RUFFING, ‘di ba?
EKLAT: Kaya WAIT pa tayo ng NINE MONTHS…

SIPAT: Uy, HINDI na NAHIHIYA sina DINGDONG DANTES at MARIAN RIVERA na MAGHALIKAN in PUBLIC, ‘no?
EKLAT: IMADYININ nga natin ang ginagawa nila in PRIVATE…

SIPAT: ‘Tong DALAWA na ‘to, AYAW pa ring IBUKING ang RELASYON nila.
EKLAT: MAGKUWENTO ka na nga KARYLLE…

SIPAT: Ba’t daw may mga PATUTSADA pa si MARIAN kay CARLA ABELLANA…
EKLAT: INSECURE pa ba?

SIPAT: Ayaw MAPUTIKAN si DARNA, kaya NAGPABUHAT ang ating BIDA.
EKLAT:  Okey lang ‘yon. SIKAT na, e. Kaya KERI nang maging DIVA.

SIPAT: Text Joke: ‘Aanhin n’yo pa ang pagiging ARTISTA, kung ang KISSING SCENE n’yo ay si ALING DIONESIA?’
EKLAT: Huy, AYAW ni DONYA DIONESIA ng HALIKAN sa EKSENA, ‘no? Kaya ang DOBOL niya sa ganyan, si POKWANG na!

loading...

One thought on “Sipat-eklat# 132

Leave a Reply

Your email address will not be published.