Sipat-eklat #131

SIPAT: EXTENDED ang LEAVE ni WILLIE REVILLAME sa WOWOWEE?!
EKLAT: Ows? YEHEY!

SIPAT: MARAMI na rin ang nakaka-MISS kay PAPI.
EKLAT: NUMERO UNO na d’yan si MANONG JOEY.

SIPAT: BAKASYON at HINDI SUSPENSION, kaya NO-SHOW pa rin si PAPI, ha?
EKLAT: ‘TAKOT lang ng KAPAMILYA EXECS sa kanilang BABY.

SIPAT: TAAS pa rin pala ng RATING ng WOWOWEE kahit WALA si WILLIE.
EKLAT: Kaya BAKIT pa nga PABABALIKIN si PAPI?

SIPAT: In fairness, KERING-KERI ni POKWANG ang WOWOWEE.
EKLAT: Taob si PAPI ‘pag nagkaroon ng WOWOWANG!

SIPAT: WALA raw KUWENTA ang mga PETISYON kay WILLIE, depensa ni Direk BOBOT MORTIZ.
EKLAT: Sabagay ‘58,603 Signatures’ pa lang ang nasa http://www.petitiononline.com. IISNABIN pa ‘yan ng KAPAMILYA. Pustahan!

SIPAT: Uy, sey ni PIOLO PASCUAL, hindi pang-KAMERA ang PANLILIGAW niya kay KC CONCEPCION.
EKLAT: We believe you, PAPA P! Kung WALA kayong bagong TV show ni ATE KC.

SIPAT: Parang WALANG KILIG ang LOVETEAM nina PAPA P at ATE KC, ‘no?
EKLAT: Sana si SAM MILBY na lang ang ipinareha kay… KC. Of course!

SIPAT: NABUKING ni ANGEL LOCSIN ang PAMBABABAE ni LUIS MANZANO kaya sila NAG-BREAK?
EKLAT: At least, OUT na si LUCKY sa LISTAHAN ng may GENDER ISSUE sa showbiz.

SIPAT: May ANGGULO namang ANGEL-SAM affair na tsinitsismis?
EKLAT: Hangga’t HINDI pa CONFIRMED ‘yan, hindi pa OUT sa LIST si PAPA SAM.

SIPAT: ‘Ngapala, EX-BF ni ANNE CURTIS si PAPA SAM, kaya WALA na siya sa LIST.
EKLAT: Naku, PAPA P! Dapat MAPASAGOT mo na si ATE KC!

SIPAT: ‘SPECIAL siya sa AKIN,’ sey ni DENNIS TRILLO. ‘WORRY FREE ‘pag MAGKASAMA kami,’ sey naman ni PAULEEN LUNA.
EKLAT: ‘KAKAKILIG, ‘no? SHOWBIZ na SHOWBIZ!

SIPAT: Hula namin may ISANG DAHILAN kung ba’t ayaw pang UMAMIN nina DENNIS at PAULEEN…
EKLAT: CRISTINE REYES.

SIPAT: NAG-IINIT ang ULO ni ARA MINA ‘pag NABABANGGIT si JINKEE PACQUIAO.
EKLAT: KUTITAP naman ang mga MATA ‘pag si MANNY ang NAPAG-UUSAPAN?

SIPAT: Halimbawa palang SUMUGOD si JINKEE sa kunwari’y KERIDA ng asawang BOKSINGERO. Puwede niya ‘tong isigaw:
EKLAT:  SHOW ME THE MANNY!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.