Sipat-eklat #130

SIPAT: May THIRD PARTY sa SPLIT-UP nina LUIS MANZANO at ANGEL LOCSIN.

EKLAT: Kung LALAKI o BABAE… kukumpirmahin pa!

SIPAT: IDEAL HUSBAND si SAM MILBY, sey ni ANNE CURTIS.

EKLAT: Talagang UMAASA pa na MAGKAKABALIKAN sila, ‘no?

SIPAT: Ang GAGANDA nina ANGEL at ANNE, MALAS lang sa LOVELIFE, ‘no?

EKLAT: Uy, puwede na silang mag-COMPARE NOTES. Pareho na silang EX ni LUIS, e!

SIPAT: ‘KAINGGIT si LUIS, NATUHOG niya, e DARNA at DYOSA…

EKLAT: Pati BOX-OFFICE KING, NAKALAPLAPAN niya pa!

SIPAT: Teka, si SAM MILBY ay ex-BF ni ANNE, si ANGEL ay EX na ngayon ni LUIS.

EKLAT: LIBRE na pala sina SAM at ANGEL ngayon… na MAGTSUGIAN?

SIPAT: Sina OYO BOY SOTTO at KRISTINE HERMOSA, GOOD FRIENDS lang. Sina DINGDONG DANTES at MARIAN RIVERA, ayaw pang AMININ ang RELASYON nila.

EKLAT: Ganyan talaga ‘pag nasa HONEYMOON STAGE pa, ENJOY pa sila sa isa’t isa.

SIPAT: AAMIN din ang mga ‘yan. WAIT na lang tayo…

EKLAT: ‘Pag BREAK na sila!

SIPAT: TIYAK na may AAMIN sa kanila, PUSTAHAN pa!

EKLAT: ‘Pag may NABUNTIS sa kanila.

SIPAT: WALA raw ANAK si JAYCEE PARKER kay DANILO BARRIOS.

EKLAT: Naku, ganyan din ang DENAY ni AUBREY MILES dati. ‘Di ba, ‘NAY CRISTY?

SIPAT: MASAKLAP nito, ‘yung akala ni DANILO na ANAK niya kay JAYCEE, TATAY pala ay iba?

EKLAT: ‘Naykupo, MARAMI pala sila!

SIPAT: Uy, si JOHN LLOYD CRUZ, FRIENDLY na naman sa EX-SYOTA niyang si LIZ UY!

EKLAT: Gumagawa ng ibang INGAY, para RELASYON nila ni RUFFA GUTIERREZ ‘di na masyadong HALATA…

SIPAT: Isang CONTESTANT sa WOWOWEE biglang NANAWAGAN: ‘PAPI, ‘balik ka na. MISS na MISS ka na namin!’

EKLAT: PINUTOL ni POKWANG ang PANAWAGAN! ‘Kaaliw ka talaga, POOKEY!

SIPAT: Tungayaw ng isang dating CONTESTANT sa WOWOWEE: ‘Lintek! MAGHAPON kami do’n na NAGHINTAY. NAGUTOM kami. Nang dumating si PAPI. May IPINAMUDMOD…’

EKLAT: PERA? ‘HINDI!’ kontra ng dating contestant. ‘PANDESAL!’

SIPAT: Hoy, MANONG! ‘Buti nga namigay si PAPI kahit pandesal, ‘no!

EKLAT: ‘Yung mga NAG-RALLY na NAULANAN at NABASA, ‘di NAKATIKIM kahit pandesal! NAGTIIS talaga sila!

SIPAT: Gano’n nila KAMAHAL at gano’n sila ka-LOYAL kay WILLIE…

EKLAT: Na ENJOY na ENJOY sa kanyang YATE habang sila e, nagra-RALLY!

By Papa Azzi

loading...

3 thoughts on “Sipat-eklat #130

  1. susme!pinutol daw!di naman..sensi lang kayo!
    nasa honeymoon stage nga yang si DD at MR,kahit mglaplapan na on camera eh ayaw pa rin umamin.talagang ngtaksil sila kay karylle noh?imposible naman na ngayon lang yan sila ngkagustohan ng husto.eh halata naman during the ourse of break up issue eh may mga sweet messages na sila sa isat’t isa sa interviews nila.
    ang nakkatakot jan,sobrang publicised at PDA pa sila.tapos pgngbreak,sisihan at sumbatan!kaliwa’t kanan angmga blames..in short panget ang break up.kaya hinay hinay lang sila…buti pa etong si Karylle,makikita mo talagang very at peace siya…iba talaga ang malinis ang konsensiya.

  2. Kayo rin? Pansin rin ninyo nang putulin ni Pokwang ang panawagan nang isang contestant na bumalik na si Papi? Akala ko ako lang. Kasi, ang tatlong ito, Mariel, Pokwang at RR, takot sa pagbabalik ni Will. Kaya, kunwari lang na miss na miss na nila si Will, pero saan ka, enjoy na enjoy sila sa limelight nila ngayon. Mga takaw sa eksena. Will, TRES KUHOLS mo, handa kang ilaglag. Ingat ka.

  3. Akala ko kam lang ni lola ang nakapansin sa ginawa ni Pokwang. Talaga palang pinutol niya ang panawagan nang isang contestant kay Willie na bumalik na. Kasi, wala na silang hosting na starring roles ni Mariel pag bumalik si Willie. Naku Willie ha, maliban sa nagkakalat ang tatlo mong alaga na si Mariel, Pokwang at RR, mukhang gusto nila, permanent ka nang mag retire. Maski si Mariel, pag may nananawagan, iniiba niya ang topic. Magingat ka Willie. You created some monsters in your show.. . or is it now. . .THEIR SHOW?

Leave a Reply

Your email address will not be published.