Sipat-eklat #128

SIPAT: INULAN ang mga nagra-rally para IBALIK si WILLIE REVILLAME sa WOWOWEE.
EKLAT: Sabi siguro sa TAAS: ‘Wag na kasing MAKULIT!’

SIPAT: At least, may LOYAL SUPPORTERS si PAPI.
EKLAT: Mga 50 KATAO din ‘yon!

SIPAT: Ay, hindi lang pala ulan ang NAGTABOY sa mga NAGRA-RALLY.
EKLAT: KULANG ang BUDGET, pa’no nga naman kung sila ay MAGKASAKIT?

SIPAT: BABALIK na pala si WILLIE sa WOWOWEE sa SABADO.
EKLAT: Hindi lang SIGURADO kung THIS YEAR, NEXT YEAR o after TEN YEARS.

SIPAT: Sure daw ang PAGBALIK ni PAPI. Pramis.
EKLAT: Kaya nga KABADO na naman sina POKWANG, MARIEL at VALERIE.

SIPAT: BORING na guest host si GABBY CONCEPCION sa WOWOWEE.
EKLAT: ‘Buti na ‘yon, kesa BASTOS.

SIPAT: ‘KUYA at ‘wag DAD’ ang gustong ITAWAG ni GABBY sa kanya ng suitor ni KC CONCEPCION na si PIOLO PASCUAL.
EKLAT: KERI na ‘yan, ATE!

SIPAT: BINILI na ng KAPAMILYA ang KONTRATA ni GABBY kay MOMMY ROSE FLAMINIANO.
EKLAT: Hindi PUMAYAG si Mommy Rose na SWAP si WILLIE kay GABBY…

SIPAT: Walang NILABAG na KBP CODE OF ETHICS si WILLIE, DEPENSA ng DOS.
EKLAT: GOOD MANNER lang naman ng isang PINOY ang na-VIOLATE niya, KAPAMILYA!

SIPAT: Uy, si CLAIRE DELA FUENTE, inalok ng KASAL ng singer na si DAVID SOUL!
EKLAT: Sino ba si David? MA at PA!

SIPAT: Si DAVID SOUL ang nagpasikat ng love song na DON’T GIVE UP ON US. May EDAD na.
EKLAT: ‘Yan din ang tiyak na kakantahin niya sa FIRST NIGHT nila ni ALING CLAIRE!

SIPAT: SEXCAPADES nina IZA CALZADO at syota niya, IKINAKALAT ni SUNSHINE DIZON?
EKLAT: Saka na tayo maniwala, ‘pag may SEX VIDEO na.

SIPAT: Bakit naman kasi pati SEXCAPADES, sine-share pa kay SUNSHINE?
EKLAT: Uyyy… si IZA, nang-iinggit! SEXLIFE kasi ni SHINE, bokya pa rin…

By Papa Azzi

loading...

3 thoughts on “Sipat-eklat #128

  1. Kabado ang mga co hosts ni willie kasi pag nandon si papi sa wowowee eh de numero ang kilos nila dahil baka mabulyawan sila. Sobrang arogante na kasi at mayabang si willie eh.

  2. Kabado si Mariel at Pokwang na bumalik si Willie. Mawawalan nang hosting na sila ang bida. Doon na lang kayong dalawa sa comedy bar. Sanay naman kayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.