Sipat-eklat #127

SIPAT: Ipinagtanggol ni MANOLING MORATO si CARLO J. CAPARAS. Deserved daw ng Komiks King na maging NATIONAL ARTIST.
EKLAT: Banat ng mga anti-CARLO J: Type ni KA MANOLING ang ESPADA ni PANDAY!

SIPAT: Ang taray ng art collection ni KA MANOLING: Van Gogh, Picasso, Goya, Toulouse…
EKLAT: Kapag itinabi sila sa paintings ni MASTER CARLO J, tiyak BAGSAK ang VALUE!

SIPAT: Naging SYOTA pala ni MIKE MAGAT si KATRINA HALILI…
EKLAT: Teka, sino si MIKE? Dating sexy actor. Sino naman si KATRINA? ‘Yung nasa SEX VIDEO ni HAYDEN KHO!

SIPAT: ‘Di kapani-paniwala na naging syota ni MIKE si KATRINA.
EKLAT: Maglabas nga siya ng EBIDENSYA. May SEX VIDEO ba sila?

SIPAT: PEKE ang kumakalat na SEX VIDEO ni DRA. VICKI BELO!
EKLAT: Ang BATA ng BIDA do’n, ‘no!

SIPAT: Ipinalinis na ni WILLIE REVILLAME ang dressing room niya sa WOWOWEE…
EKLAT: Pati kaya ‘SKELETONS IN THE CLOSET,’ inalis na?

SIPAT: Supporters ni WILLIE, nag-rally. Sigaw nila, ‘IDOLO ibalik sa WOWOWEE!’
EKLAT: Banat naman ng ANTI-PAPI, ‘Sige, IBOBOYKOT namin ang TFC!’

SIPAT: MANNY VILLAR, hinihimok si WILLIE na tumakbong SENADOR sa 2010?
EKLAT: ANTI-VILLAR ang nag-press release nito, pramis!

SIPAT: Uyyy… type ni RICHARD POON si MARICAR REYES!
EKLAT: Bakit? SIKRET!

SIPAT: Lasang BEAR BRAND CHOCO ang LAWAY ni DINGDONG DANTES, sey ni EUGENE DOMINGO sa halikan nila nito.
EKLAT: Nagpalit kami ng brand…

SIPAT: Isa si PIOLO PASCUAL sa producers ng pelikula nina DINGDONG at EUGENE, madalas itong nasa shooting…
EKLAT: A. Dahil kay Eugene; B. Dahil kay Dingdong C. Dahil siya nga ang producer! (Text na! Now na!)

SIPAT: Hamon ni KC CONCEPCION kay PIOLO, ‘Manligaw ka ng walang kamera!’
EKLAT: Oo nga naman… magpaka-LALAKI ka PAPA P!

SIPAT: Gustong makita ni KARYLLE ang HARAPAN ni COCO MARTIN?
EKLAT: Search mo sa INTERNET, iha. ‘Di naman kalakihan…

By Papa Azzi

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.