Sipat-eklat #126

SIPAT: Wilma Galvante, pinagre-resign ni Annabelle Rama.
EKLAT: Kaso kasi ni Bisaya sa GMA TV exec, ibinasura, kulang sa ebidensiya.

SIPAT: Ang daldal kasi ni Annabelle, kung anu-ano ang sinasabi sa media.
EKLAT: ‘Kala niya siguro nasa witness stand na siya. Masyadong excited!

SIPAT: Mga demanda ni Annabelle, flop sa hustisya…
EKLAT: Puro talak niya kasi ang pang-press release!

SIPAT: Malaswa raw ang rap song na ‘Banana,’ kaya ipinahinto ng Catholic Bishops Conference of the Philippines [CBCP] ang pagpapatugog sa radio…
EKLAT: Nakikinig pala ng rap sina Father! Yo!

SIPAT: Pinakinggan namin ang ‘Banana.’ Natawa lang kami. Ang babaw ng kanta!
EKLAT: Hinanapan pa talaga nina Father ng malalim na kahulugan, o!

SIPAT: At ang konklusyon nina Father sa ‘Banana…’
EKLAT: Hindi lang masarap kainin… masarap din sa kan… tahan!

SIPAT: Marami ang naintriga, bumenta pang lalo ang ‘Banana…’
EKLAT: Masarap kasi talaga ang bawal, Father.

SIPAT: Hindi na mapapakinggan sa radyo ang ‘Banana…’
EKLAT: Pero mga pirata, tuloy ang ligaya. At salamat, Father, mas mabenta na!

SIPAT: Uy, labas na raw sex video nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho!
EKLAT: Ano kaya ang hitsura ng retokadong keps, ‘no?

SIPAT: Taob daw sina Maricar Reyes at Katrina Halili sa performance ni Dra. Belo.
EKLAT: May bagong sex position na ipauuso ang Belo?

SIPAT: Itong sex video nina Belo at Kho ang dapat harangin nina Father, e.
EKLAT: Pero siguro, ‘yung kina Maricar at Katrina, aprub sa kanila. Wa sila sey, e!

SIPAT: Bakit daw pangit ang reception ng Darna sa Sky Cable?
EKLAT: ‘Yung reception talaga? Baka naman pangit talaga ang Darna.

SIPAT: Sinasabotahe raw ang Darna, sister company raw kasi ng ABS-CBN ang Sky Cable.
EKLAT: Isinumbong n’yo ‘yan kay Bro!

SIPAT: Wala kaming problema sa reception ng Darna, pramis.
EKLAT: Hindi kasi namin pinanonood, e.

SIPAT: Uuyy, sina Father, hindi kakantiin si Darna kahit na ang seksi-seksi ng outfit at mga bata pa ang manonood na target…
EKLAT: Wala raw kasi silang nakitang ‘banana’ roon…. monay lang! At minsan-minsan lang namang nasisilip!

By Papa Azzi

Related Post

loading...

One thought on “Sipat-eklat #126

Leave a Reply

Your email address will not be published.