Sipat-eklat #123

SIPAT: Kris Aquino, tanggap na ang ‘sorry’ ni Willie Revillame.
EKLAT: Sambayanang Pinoy, hindi pa!

SIPAT: Noynoy Aquino, tanggap na ang ‘sorry’ ni Willie Revillame.
EKLAT: Joey de Leon, hindi pa!

SIPAT: Ito namang si Manong Joey, nakisawsaw pa.
EKLAT: Ang dating tuloy, insecure talaga!

SIPAT: Bahala na raw ang ABS-CBN, MTRCB, at KBP ang magparusa kay Willie.
EKLAT: ‘Yung MTRCB at KBP, puwede pa. ABS-CBN, asa ka pa!

SIPAT: Puwede naman talagang mapatawad si Willie…
EKLAT: Una, umalis siya sa Wowowee. At pangalawa, ‘wag na siyang bumalik sa Wowowee.

SIPAT: Uy, feel na feel nina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang ang pagho-host sa Wowowee!
EKLAT: Wala kasing pressure mula kay Willie.

SIPAT: Bakit kawili-wili ang Wowowee? Dancers na gumigiling-giling – 90%; Valerie, Mariel at Pokwang – 4%; Contests/Games – 4%; Willie Revillame – 2%
EKLAT: Unofficial survey sa viewers ng Eat Bulaga.

SIPAT: Bakit pinapanood naman ang Eat Bulaga? Dahil commercial break sa Wowowee – 90%; Mas maaga ang airing sa Wowowee – 10%
EKLAT: Unofficial survey sa viewers ng Wowowee.

SIPAT: “Matatanda na at jobless pa!” Talak ni Donna Villa sa mga nagpoprotesta sa pagkakahirang sa asawang si Carlo J. Caparas bilang National Artist.
EKLAT: Sige nga, Tita Armida Seguion-Reyna, pabulaanan mo ‘yan…

SIPAT: Mga tanong sa mga pumili kay Carlo J. Caparas bilang National Artist: Part I (Written Exam) Ano ang ending ng Panday sa comics version nito? Bakit? (20 pts); Saang komiks inilathala ang Gagambino? Colored ba ito o black & white? (20 pts); Sino ang nasa title role ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang sa film version nito? Magbigay ng 3 artista (maliban kay Marian Rivera) na bagay rito. (20 pts); Ang Totoy Bato ba ay tungkol sa shabu? (20 pts); Anu-ano ang mga titulo ng mga komiks na pinagsulatan ni Carlo J. Caparas? May kopya ka ba kahit isa sa mga ito? (10 pts). Ano ang simbolismo ng ‘shades’ ni Carlo J. Caparas kung ikukunsidera ito sa pagkakahirang sa kanya bilang National Artist? (10 pts)
EKLAT: Paki-snail mail ang inyong kasagutan sa Pinoy Parazzi on or before August 15.

SIPAT: Part II (Debate and Argumentation) Mahusay ba ang pagkakaganap ni Dawn Zulueta sa The Maggie dela Riva Story?; Kung mataas ang bangin na pinaghulugan ng biktima sa The Myrna Diones Story na pinagbidahan ni Kris Aquino, himala bang matatawag na nabuhay pa ito?; Sino ang mas panget na Bakekang, Nora Aunor o Sunshine Dizon?; Dapat bang si Carlo J. Caparas ang sumulat ng script kung isasapelikula ang buhay niya? Sino ang bagay na bida?; Ano ang mas mahal por kilo, asero o tanso?
EKLAT: Venue: Klownz Quezon Ave., 10 pm, August 15. (Protesters get 50% discount on Entrance)

By Papa Azzi

loading...

One thought on “Sipat-eklat #123

  1. hahaha! pamatay ang mga tanong tungkol kay Carlo J… ako di ko siya kilala. pero wag na bawiin ang award sa kanya. wala namang kwenta yan. hehehe…

Leave a Reply

Your email address will not be published.