Sipat-eklat #122

SIPAT: “Tinuruan ako ng magulang ko ng tamang manners. Never akong nambastos ng tao,” sey ni Baron Geisler.
EKLAT: Hindi siya nakainom nang sinabi niya ‘yan. Pramis!

SIPAT: Inireklamo siya ng sexual harassment ni Yasmien Kurdi, ‘di ba?
EKLAT: Baka si Yasmien ang nakainom nang i-file ang kaso.

SIPAT: Ipinagtanggol ni Johnny ‘Mr. M’ Manahan’ si Willie Revillame.
EKLAT: Siya ang direktor ng Wowowee, e!

SIPAT: Nakakita ng mali ang detractors ni Willie, kaya panay ang birada ngayon sa kanya, sey pa ni Mr. M.
EKLAT: Nainip na kasi sila sa paghihintay ng tama.

SIPAT: Naka-leave na pala si Willie.
EKLAT: Bakasyon lang po… hindi pa graceful exit.

SIPAT: Tameme ang News Department ng Dos sa sitwasyon ni Willie.
EKLAT: Naghihintay ng ‘breaking news’… pagkatsugi ni Willie?

SIPAT: Tameme ang News Department ng Dos sa sitwasyon ni Willie.
EKLAT: Kapalpakan din kasi nila ‘yon, ‘no!

SIPAT: Sey ni Willie, gusto niya na masaya lagi sa Wowowee.
EKLAT: Nagpapaiyak ng contestant tapos masaya? Labo naman!

SIPAT: Puwede nang si Pokwang ang ipalit kay Willie!
EKLAT: WowoWANG!

SIPAT: Eardrum ni Sam Milby, nabutas nang sampalin ni Bea Alonzo.
EKLAT: Sampal pa lang ‘yon, Sam. Tuloy mo pa panliligaw sa kanya?

SIPAT: High school daw si Korina Sanchez nang patayin si Ninoy Aquino noong 1983.
EKLAT: Uuyyy… nagpapabata.

SIPAT: Taong 1964 ipinanganak si Korina, kaya edad 19 na siya nu’ng patayin si Ninoy.
EKLAT: Hindi pa po memory gap, nalito lang si Korina.

SIPAT: Favorite song daw ni Korina nu’ng 1983 ang ‘Magkaisa’ ni Virna Lisa. E, 1986 sumikat ang kanta na gawa ni Tito Sotto.
EKLAT: Hindi po memory gap, nalito lang uli si Korina…

By Papa Azzi

loading...

2 thoughts on “Sipat-eklat #122

  1. cguro nga tinuruan c baron ng tamang asal ng parents niya. kaya lang sinunod naman ba niya ito? mukhang hindi eh. may sariling pag-iisip tong taong to na siya lang nakakaintindi. at dinig ko nga sama daw ng ugali ng korina na to.

  2. hahaha!
    si koring ginagamit lang ni mar kaya tinitiis lang nya ang mapagmataas na ugali ni koring na pati kasambahay sinasaktan!
    kay williebog naman kailangan pa bang paiyakin ang mga contestants bago bigyan ng 500??

Leave a Reply

Your email address will not be published.