Sipat-eklat #121

SIPAT: Willie Revillame, ipinipetisyong tanggalin na sa Wowowee!

EKLAT: Tanggalin lang?

SIPAT: Malabong matanggal si Willie d’yan.

EKLAT: Malakas ‘yan, e. Sa taas? Hindi.

SIPAT: Dapat pagbakasyunin lang si Willie.

EKLAT: Bigyan ng extended vacation… until retirement.

SIPAT: Ano ang kaibahan ng ‘milagro’ at ‘himala?’

EKLAT: Milagro: Biglang nagpakumbaba si Willie. Himala: Natanggal sa Wowowee si Willie.

SIPAT: ‘Dapat bigyan ng matinding leksyon si Willie!’ Sigaw ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag at National Press Club.

EKLAT: Lektyuran ng ‘Good Manners at Right Conduct.’

SIPAT: At kapag hindi pumasa sa GMRC?

EKLAT: Paluhurin sa munggo at asin nang nakadipa.

SIPAT: At kung hindi talaga matuto ng kagandahang-asal si Willie?

EKLAT: Tanggalin na nga sa Wowowee.

SIPAT: Hindi tatanggalin ng Dos si Willie sa Wowowee.

EKLAT: Baka nga naman magtayo ng sariling istasyon niya si Willie. Kakumpetinsiya pa.

SIPAT: Hulaan n’yo kung sino ang matutuwa ‘pag nawala si Willie sa Wowowee?

EKLAT: Eat… Bulaga!

SIPAT: Tatlong beses daw ang malas sa buhay ng tao.

EKLAT: Unang malas ni Willie: 75 patay sa anniversary ng Wowowee. Ikalawang malas ni Willie: Pagkamatay ni Tita Cory. Ikatlong malas: [fill in the blank]

SIPAT: Sabi ni Willie, kasiyahan daw ang hatid ng Wowowee.

EKLAT: Dapat ngang mag-resign na siya.

SIPAT: Noon: People Power laban sa mga Marcos, sinimulan ni Tita Cory.

EKLAT: Ngayon: People Power laban kay Willie, nagsimula kay Tita Cory.

SIPAT: Extra challenge sa mga Senador…

EKLAT: Mag-guest kayo ngayon sa Wowowee!

By Papa Azzi

loading...

3 thoughts on “Sipat-eklat #121

  1. don’t judge the book by its cover co’z nobody is perfect. “EVERYBODY DESERVES A SECOND CHANCE” humingi na ng sorry & nagexplain na si willie. im sure, mas lalong lalakas ang ratings ng WOWOWEEE kaya maraming naninira dahil sa totoo lang inggit lang talaga sila. ^-^

Leave a Reply

Your email address will not be published.