Sipat-eklat #120

SIPAT: John Prats at Shaina Magdayao, naglaplapan sa dressing room.
EKLAT: Kesa naman matsismis na nag-check in sila, ‘no?

SIPAT: Pagkakagusto ni Bea Alonzo kay Sam Milby, ‘di raw promo ng pelikula.
EKLAT: Liars go to hell.

SIPAT: Kabado si Bea Alonzo sa bagong pelikula, hindi si John Lloyd Cruz kasi ang kasama.
EKLAT: Mas kabado si Sam Milby, promo kasi ng pelikula sila na ni Bea!

SIPAT: Isiningit si Tita Cory sa Wowowee, nagalit si Willie Revillame.
EKLAT: Sapaw nga naman si Papi.

SIPAT: Bakit ba madaling mag-init ang ulo ni Papi?
EKLAT: Bitin siguro parati…

SIPAT: Tama lang naman ang ginawa ni Papi…
EKLAT: Ipakita sa buong mundo ang magaspang niyang ugali!

SIPAT: Nadine Samonte, ayaw sa role na Babaeng Impakta.
EKLAT: Masyadong makatotohanan.

SIPAT: Bagong lover ni Rufa Mae Quinto, mayamang politiko!
EKLAT: Politiko talaga? Hindi boksingero?

SIPAT: Amusement tax sa pelikula, nabawasan na!
EKLAT: Mga pirata deadma…

SIPAT: Eugene Domingo, nagpaseksi sa kanyang pelikula.
EKLAT: Horror ba ‘to?

SIPAT: Charice Pempengco, hinarang sa burol ni Tita Cory.
EKLAT: Hindi raw kasi kasama si Oprah Winfrey.

SIPAT: Noynoy Aquino, inireto ni Kris Aquino kay Jessica Soho.
EKLAT: Si Kris talaga, masyadong palabiro.

SIPAT: Custody sa anak ni Jolo Revilla, solo na niya. Kasong kidnapping, tapos na.
EKLAT: ‘Ransom,’ naibigay na?

ni Papa Azzi

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.