Sipat-eklat #119

SIPAT: Singit ni Marian Rivera, nagasgas sa harness na gamit sa Darna.

EKLAT: Sa ‘harness’ po. Hindi kay Dingdong Dantes.

SIPAT: Moisturizer ang nilalagay ni Marian sa singit niya…

EKLAT: Hmm… si Dingdong kaya, ano?

SIPAT: Pagkakahirang kay Carlo Caparas bilang National Artist, kinukuwestyon ng CCP.

EKLAT: Mas deserving si Stan Lee.

SIPAT: Habang ‘gumigiling-giling’ sa Wowowee, ipinapakita rin ang footage ng paglilipat ng kabaong ni Tita Cory.

EKLAT: Pampataas ng rating?

SIPAT: Habang ‘gumigiling-giling’ sa Wowowee, ipinapakita rin ang footage ng paglilipat ng kabaong ni Tita Cory.

EKLAT: Ilibing ng buhay ang may ideya nu’n!

SIPAT: Nagalit tuloy si Willie Revillame on-air.

EKLAT: Lumabas ang tunay na ugali.

SIPAT: Tsugi na talaga si Precious Lara Quigaman sa Wowowee.

EKLAT: Basted daw kasi si Willie!

SIPAT: Lungkot na lungkot si Jolina Magdangal ngayon…

EKLAT: Sa pagkamatay ni Tita Cory? Hindi. Sa pagkamatay ng aso niya.

SIPAT: 52 at 45.

EKLAT: Hindi anunsyo sa karera ‘yan. Edad nina Mar Roxas at Korina Sanchez.

SIPAT: ‘Si Korina lang ang nagpatigil sa pagkabinata ko…’ sey ni Mar Roxas.

EKLAT: Hulaan n’yo kung ano ang ‘tumigil’ na kay Korina…

By Papa Azzi

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.