Sipat Eklat #118

SIPAT: Dating sexy star Pamela Ortiz, patay na!
EKLAT: ‘Yung career niya, matagal na.

SIPAT: Dating sexy star Pamela Ortiz, buhay pa!
EKLAT: ‘Yung career niya? Asa pa ba?

SIPAT: Dating sexy star Pamela Ortiz, magbabalik-showbiz!
EKLAT: ‘Yan ang kuryenteng balita.

SIPAT: Ayaw pa ring aminin nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang relasyon nila. Enjoy naman daw sila sa samahan nila ngayon.
EKLAT: ‘FuBu’ ang tawag d’yan… ‘fun buddies’.

SIPAT: ‘Queen of Primetime’ ang bansag ngayon kay Marian Rivera.
EKLAT: Galing-galing ng paid hacks nila, ah!

SIPAT: ‘Paano kung sa umaga magka-show si Marian?’ Tanong ng Pilosopong Miron.
EKLAT: Oo nga, ‘no? Isip na agad mga paid hacks!

SIPAT: Si Dingdong Dantes naman daw ang ‘King of Primetime,’ sey ni Marian.
EKLAT: Paid hack na rin si Marian?

SIPAT: Hindi kami naniniwalang ‘doble-kara’ si Ai-Ai delas Alas, Tita Swarding.
EKLAT: Double chin, puwede pa!

SIPAT: Juice ko! May balak talagang magparetoke si Mommy Dionesia?
EKLAT: Naku, baka bumagsak ang popularity niya.

SIPAT: Uy, love namin si Mommy Dionesia! Peksman.
EKLAT: Gusto nga namin siya ang mag-host ng Shall We Dance.

SIPAT: Sey ni Michelle Madrigal, nag-flirt sa kanya si Kobe Bryant.
EKLAT: Ows? Flirt lang? Hindi siya nakapag-shoot?

SIPAT: Nanonood daw si Kobe Bryant ng Zorro.
EKLAT: Basketbolista talaga. Ang husay mambola

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.