Sinuyod ng Kotse; 1 Patay; 7 Sugatan

PATAY ANG street sweeper habang sugatan ang pitong katao matapos suyurin ng kotse sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Edgar Quismondo, 51, ng Karuhatan ng lungsod.

Ginamot naman sa nasabing ospital sina Ramon Medina, 55, pedicab driver; Valentine Mangalong, 44, tricycle driver at mga pasaherong sina Janice Oas, 25; Isabel Yanda, 67; Federico Capalad, 38; Loreto Miranda, 39 at Edgar Guiguing, 31 pawang ng Karuhatan ng lungsod.

Sumuko naman si Roberto Taborda, 74, ng General T. De Leon ng lungsod at driver ng Montero Sports GL (TSI-408).

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga, sakay ng dalawang driver ang iba pang biktima at pagsapit sa Karuhatan Rd., ng lungsod ay sinalpok ng dalang sasakyan ng suspek.

Minalas na nahagip at napuruhan si Quismondo na nagwawalis sa gilid ng kalsada na naging dahilan upang dalhin sa VGH subalit nalagutan din ito ng hininga.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.