Sinundo sa sugalan Misis, patay: Mister, sugatan sa araro ng bus

CEBU – PATAY ANG isang babae habang sugatan ang kanyang mister nang bumangga ang kanilang sinasakyang tricycle sa isang bus sa bayan ng Argao.

Sa imbestigasyon, sugat sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ni Regina Llanado, 38 anyos, ng Brgy. Binlod. Kinilala ang mister nito na si Romeo, 44 anyos, driver ng naaksidenteng tricycle.

Ayon kay PO2 Bernie Lao, traffic investigator ng Argao Police Station, galing sa sugalan ang biktima na sinundo ng kanyang asawa.

Sa salaysay naman ng driver ng bus na si Edwin Intao, 36 anyos ng Libertad Bogo, Cebu, bigla na lamang tumawid ang tricycle kaya huli na para maikambyo ang manibela o ang preno.

Naisugod pa sa ospital si Regina subalit binawian din ng buhay bunsod ng mga matinding sugat.

(EUNICE  CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.