Sinugod ng ama ni Queenie: PJ Valerio, ‘Di Nag-sorry kay Robin Padilla!

OO. HINDI AKO sikat. Hindi ako mayaman. But my only fault was nagmahal ako nang totoo.

“And I would like to add na I didn’t say sorry kay Sir Robin (Padilla). ‘Yon kasi ang lumabas sa mga news items. There’s nothing to be sorry about kaya hindi ko sinabi ‘yon. All I want is peace,”ang maluha-luhang pahayag sa amin ni PJ Valerio.

PJ is referring to his ex-girlfriend na si Queenie and for those na hindi nakakakilala sa kanya, matagal na siyang co-host ni Kuya Germs sa Walang Tulugan and he has done TV guestings here and there plus lumalabas din siya sa mga stage musicals.

For approximately more than a year, naging mag-on sila ni Queenie and so we believe, seryosong nagmahalan talaga ang dalawa dahil hindi naman ‘yon siguro magtatagal nang ganu’n kung walang true love na namagitan.

A lot of things has been said tungkol du’n sa isyung sinugod siya ni Binoe sa bahay nila, pero ngayon lang nagsalita si PJ about his true sentiments.

“I was so scared. Kasi, galit talaga si Sir Robin, plus may mga kasama rin siya na malaking mga guys, but I have to clarify, they didn’t act violently against me. Pinagalitan lang ako but that was my honest feeling. Natakot ako,” ang parang bata pa niyang sumbong sa amin.

Even the mom of Queenie na si Liezel Sicangco is sending PJ messages sa Facebook na ikinasasakit ng loob ni PJ.

“Those were harsh messages. Masasakit talaga. Remember, tao ako and I have emotions. Nasasaktan ako sa mga pinadadala nilang messages sa akin,” sabi pa niya.

Even Liezel admitted sa amin na totoong nagpapadala siya ng mga mensaheng hindi maganda laban kay PJ, pero ‘yon  e, dahil ayaw niyang magaya si Queenie sa kanya. Na na-in love at pumasok sa isang relasyon sa murang edad.

For the record, 19 years old na si Queenie.

PJ is now trying to pick up the pieces and move on. Ramdam namin ang kanyang pagiging sobrang broken-hearted nang nakausap namin siya but as always, ganu’n naman ang pagmamahal, laging may kasamang pain.

PDA FINALIST RONNIE Liang signed a managerial contract with Arnold Vegafria at naging maganda naman ang paghihiwalay nila ng kanyang dating manager na si George Roca.

He clarified all the rumors na binato sa kanya tungkol sa kanyang matronang benefactor, ang bahay na kanyang pinatayo, ang luxury car na kanyang dina-drive at ang mystery benefactor na pinuntahan daw niya sa ‘Merika recently.

Ronnie, pasok…

“I can say it with a period. Hindi po ako papatol sa isang girl who is twice older than me. I have a girlfriend na naka-base sa Amerika at ‘yon ang pinuntahan ko when I went there recently. She is 23 years old.

“’Yung bahay na pinatayo ko e, hinuhulugan ko pa rin. Ganu’n din ang Ford Everest na sasakyan ko. Wala akong benefactor.

“Ang perang pinambayad ko du’n e, galing sa mga shows ko sa abroad. Galing din ‘yon sa mga kinita ko sa nakaraang campaign,” paglilinaw pa ni Ronnie.

Sigurado, lalong matsa-challenge ang mga taong nambibintang sa kanya at magre-research pa ng todo sa mga dirty linens ni Ronnie, kung meron man.

SIGURO NAMAN MARAMI pa ang nakaaalala sa sexy star na si Thea Aquino. Siya lang naman ang nakasama sa pelikula ng Hollywood star na si Josh Hartnett na kinunan nu’n sa isang remote area sa ‘Pinas.

Isang sexy dancer ang naging role noon ni Thea kung saan nag-lap dance to-the-max ito kay Josh.

Muntik na palang maging official recording artist si Thea dahil pinuhunanan ng isang manliligaw na foreigner ang kanyang CD pero sa kalagitnaan ng kanilang recording, nag-propose daw ng kasal ang afam, pero dahil tinanggihan ito ng sexy star, hayun, napurnada ang pangarap ng sexy star na maging singer.

Sayang!!!

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

7 thoughts on “Sinugod ng ama ni Queenie: PJ Valerio, ‘Di Nag-sorry kay Robin Padilla!

  1. i come with the rain yata title nung pelikula na dinerek ni tran an (the scent of green papaya)..2009 pinalabas sa amerika sa mindanao shoot nito kc ksm sa plot ung mindanao…wala lang share ko lang…

    • Peace na po tayo..un lang sinabi nia…hindi ang word na SORRY…so wala talagang SORRY…hehe engot naman ung tagabalita…

      • asus kung di ba naman siya kulang sa pansin, bakit niya kailangan i announce ang peace, peace na yan sa LIVE show?
        Noon pa man e sobrang sumbungero na sa press.
        Di lang siya about kay Queenie nagsalita…ginawa niya na rin yun sa ibang mga babae na na link sa kanya noon.

  2. Dahil sa mga gawain ni Robin sa babae, natatakot sya para sa anak nya ngayon. Sana kilalanin nya yung nanliligawa, baka naman hindi nya katulad yun na ginagawang laruan ang mga babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published.