Sinubukang Barilin ang Kaaway; Lolo, Kalaboso

ARESTADO ANG isang lolo matapos nitong tangkaing barilin ang kaniyang kaaway sa San Narciso, Quezon.

Kinilala itong si Aurelo Rebustes, 72, magsasaka sa nasabing lugar.

Una rito, nagkaroon umano ng hindi pagkakaintindihan sina Rebustes at ang biktimang si Jose Abenoja kaya sa gitna ng pagtatalo ay biglang binunot ng salarin ang kaniyang pistolized shotgun.

Samantala, masu-werte namang naiwasan ito ni Abenoja at nagawang tumakas.

Nakumpiska naman sa suspek ang nasabing baril at ang isang live ammunition.

Agad namang sinampahan ng kasong paglabag sa Comelec gun ban at Attempted Murder ang matanda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.