SINO SIYA? MAHULAAN n’yo kaya itong sikat na sikat na batang aktres na kamakailan lamang ay puro negative issues na ang naglalabasan tungkol sa kanya?!

SINO SIYA? MAHULAAN n’yo kaya itong sikat na sikat na batang aktres na kamakailan lamang ay puro negative issues na ang naglalabasan tungkol sa kanya?!

Talaga nga bang may attitude problem ang young actress na ito kaya’t ang malalapit sa kanya ay iniiwan siya sa ere?! As in sa ere! O talagang may mga naninira lamang sa kanya?

Ang chikka kasi, insekyora raw itong si young actress sa isa pang bagong bagets na actress lalo na at nasa iisang bakod lamang sila ng kilalang istasyon. Mukhang nasasapawan na itong si young actress nitong baguhan kaya naman may drama effect pa si young actress na kapag hindi raw tinanggal ang baguhang aktres ay siya mismo ang aalis sa istasyon at lilipat sa Singko.

Naku, ha?! Masama ‘yan, young actress! ‘Wag mong hinahamon ang management hindi ka pa ba natuto sa pinagdadaanan ng mga artistang humahamon sa management? Sila, kaya pa nila, ngunit ikaw kahit sikat ka at marami kang fans na handang makipagpatayan para sa iyo, hindi pa rin sapat iyan dahil hanggang ngayon ay wala ka pang napapatunayan, hindi ba?

Tsaka imposible naman yata iyang dine-demand mo, dahil kapag ipinatanggal mo itong si baguhang bagets, eh ‘di nawala na agad ang pinagbibidahan niyang teleserye? Tsk, tsk, tsk! Ikaw talaga! Ha-ha-ha!

(Tita Swarding)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “SINO SIYA? MAHULAAN n’yo kaya itong sikat na sikat na batang aktres na kamakailan lamang ay puro negative issues na ang naglalabasan tungkol sa kanya?!

  1. tita swarding, good day po. avid listener po ninyo kami, inaabangan po namin ang program ninyo sa dzrh every sunday afternoon. puede po paki email sa akin ang pangalan ng producto na pinag feaure noong sunday? yong pong nakaka alis ng marka ng peklat at nakakapa puti na sabon.
    maraming salamat po. more power to your program.

  2. Pingback: Tweets that mention SINO SIYA? MAHULAAN n’yo kaya itong sikat na sikat na batang aktres na kamakailan lamang ay puro negative issues na ang naglalabasan tungkol sa kanya?! « Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.