Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong biglaang celebrity mom na masyadong lumaki na ang ulo..

Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong biglaang celebrity mom na masyadong lumaki na ang ulo matapos mabigyan ng pangalan ng kanyang anak?! Mukhang hindi ko na kailangang i-elaborate ang kuwento at magbigay pa ng clue dahil doon pa lang ay gets n’yo na agad. Hindi ba?!

Ang kuwento kasi ng aking parazzi girl, mula raw nang makilala ang celebrity mom na ito ay biglang nagtaas na ang value or talent fee sa tuwing inimbitahan siya para sa mga projects, tulad ng commercial at mga pelikula. Ngunit hindi iyon ang chikka!

Mas nalerkey raw itong ating parazzi girl ng marinig niya sa isang dressing room itong celebrity mom dahil hindi lamang talent fee ang nagbago, ngunit pati ang kanyang pangalan ay nais na ring baguhin?! Kaloka, hindi ba?! Sa pangalan na iyon siya nakilala tapos babaguhin pa niya?! Ay, naku! Hindi na talaga ka-level itong si celebrity mom, masyadong lumaki ang ulo dahil sa nakamit ng kanyang anak. Tsk, tsk, tsk! Bad ‘yan!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong biglaang celebrity mom na masyadong lumaki na ang ulo..

    • Oo.Gusto daw niya na Donya Dionesia na ang tawag o ngalan niya. Take note…me Donya sa unahan ng ngalan niya kasi mayaman na sila!!

      • haha! ibigay ang hilig kung yun ang makapagpapaligaya sa kanya. Biruin mo nga naman, buong buhay niya ay di siya nakatikim ng masarap na buhay, kaya ibigay ang hilig.

Leave a Reply

Your email address will not be published.