Sino Sina Sir?

ISANG PULITIKONG lalaki ang sa tuwing nalalasing ay ibinibida sa mga barkada ang kanyang pakikipagrelasyon noon sa isang pulitikong babae na mas nakatatanda sa kanya. Ipinangalandakan ni Sir na kapag nakainom na raw si Mam, tinatawagan siya nito para ayain na magkita sila sa isang lugar na balwarte ni Sir upang mag-loving-loving. Si Sir at si Mam ay parehong mga pamilyadong tao.

Akala ni Sir na natutuwa ang kanyang mga barkada sa mga kayabangan niya. Ang hindi niya alam, kapag siya ay nakatalikod, sinisiraan din siya dahil wala raw utang na loob bukod pa sa pagiging bastos.

Pulitiko na ngayon si Sir sa isang probinsiya. Dati isa lamang siyang pangkaraniwang opisyal sa gabinete at ang kanyang tagumpay noon at ngayon ay utang niya lahat kay Mam. Kung baga sa salitang ginagamit ng kanyang mga barkada sa panlalait sa kanya kapag siya ay nakatalikod “ginawa siyang tao ni Mam”.

Gusto ninyo ng clue kung sino ang bastos na pulitikong ito? Siya ay si Braggart sa wikang Ingles na ang translation sa wikang Tagalog ay mayabang na tao.

 

ISANG MAY edad nang pulitiko ang may ibang klaseng trip. Kapag high na siya sa droga noon, tinatawag niya ang kanyang close-in security sa loob ng kuwarto, kung saan nakahiga ang kanyang Mam na nakasuot ng pantulog na see-through habang nanonood ng telebisyon.

Ang pakuwela ni Sir sa kanyang walang kamalay-malay na Mam na kaya niya pinatawag si bodyguard ay para magbibigay siya kuno ng instruksyon dito. Pero sa tuwina pagdating ni bodyguard biglang huhubaran ni Sir si Mam at ise-sex habang pinapanood sila ni bodyguard. Walang magawa si Mam dahil malaki ang takot niya kay Sir. Pinagsabihan sabay na pinagbantaan ni Sir si bodyguard na ‘wag ipagsabi kahit kanino ang kanyang mga nakita.

Makailang beses ding nangyari ang sitwasyong ito. At noong katagalan, napapraning na si Sir at pinagseselosan na niya si Mam sa nasabing bodyguard kahit wala namang ginagawa ito. Nakakatikim na rin ng pananakit si Mam at kadalasan ay ikinukulong sa nakakandadong kuwarto kapag siya ay pumupunta ng opisina.

Nang tumagal, wala na ring tiwala si Sir kay bodyguard kaya pina-migrate niya ito sa ibang bansa. Pero ang hindi alam ni Sir isang araw bago sumakay ng kanyang flight papunta ng abroad si bodyguard naibida niya ito sa kanyang mga kabaro sa unit na kanyang kinabibilangan.

Sino si Sir? Siya ay si Fart  sa wikang Ingles na ang translation sa wikang Tagalog ay utot. Kasimbaho kasi ng utot ang trip niyang kababuyan.

 

ANG INYONG lingkod ay mapakikinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3fm Radyo5, Lunes hanggang Biyernes 2-4pm. Ang programang ito ay nakasimulcast sa AKSYON TV Channel 41. Ito ay isang public service show na tumatanggap ng mga sumbong mula sa mga inaapi at inaabusong mamamayan. 

Sa tuwing 5:15-5:45pm, mapapanood din ang inyong lingkod sa programang T3 sa TV5 pa rin. 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.