Sino si Princess Velasco?

ILANG LINGGO NA rin nating naririnig ang pangalang “Princess Velasco” sa tuwing napag-uusapan ang sex videos na kasama sa ‘Hayden Cam series.’ Kabilang din siya sa mga sinampahan ng kaso ng sexy actress na si Katrina Halili. Lumantad na ang ibang sangkot tulad nina Erick Chua at Bistek Rosario. Pero sino nga ba si Princess Velasco?

Si Princess Velasco diumano ang rason kung bakit nabuko ang panlilinlang ni Hayden kay Dra. Vicki Belo. Napag-alaman naming si Princess Velasco ang dating institutional marketing manager ng Belo Medical Group. Siya rin ang girlfriend ni Bistek Rosario, na dating bestfriend ni Hayden Kho. Nagkalamat ang pagkakaibigan ng dalawa nang malaman ni Bistek na nagkaroon ng pasikretong relasyon sina Hayden at Princess. Dahil dito, umamin daw sina Bistek at Princess kay Dra. Belo kung kaya’t nangyari ang lahat ng kaguluhang ito.

Lumalabas na pagtataksil ang ugat ng paglabas at pagkalat ng lahat ng mga sex videos ni Hayden, kasama ang iba’t ibang babae – pagtataksil ni Hayden kay Vicki at sa bestfriend na si Bistek, at pagtataksil ni Princess sa boyfriend niyang si Bistek at sa boss niyang si Vicki.

Napag-alaman pa namin na kumakalat na rin ang maiinit na eksena sa video nina Hayden at Princess.

Naghanap kami sa internet ng mga larawan ni Princess Velasco, at ito ang nakalkal namin. Ang tanong na nga lang, nasaan na kaya si Princess ngayon?

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.