Shooting Range: Sino si DOJ Secretary Alberto Agra?

Kung ituring halimbawa na isang krimen ang ginawa ni DOJ Secretary Alberto Agra sa pag-absuwelto sa kaso sa Maguindanao Massacre sa dalawang miyembro ng pamilyang Ampatuan na sina Zaldy at Akmad, siya ay maaari na sigurong maituring na isang recidivist na gumagamit ng iisang modus operandi sa lahat ng kanyang mga krimen.

Bago ma-appoint sa DOJ si Agra noong nakaraang buwan bilang Solicitor General (Solgen), inabsuwelto niya ang Shell sa kaso nito ng pagkakautang sa Bureau of Customs ng halagang P7.348 billion sa buwis.

Tulad ng nangyari sa DOJ, kauupo rin lamang noon ni Agra bilang Solgen ng iabsuwelto niya ang Shell. Kahawig pa rin ng nangyari sa DOJ, matibay ang mga ebidensiya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa Shell. At kaparehong-kapareho pa rin sa nangyari sa DOJ, hindi nabigyan ng abiso at pagkakataon ang mga abugado ng BOC para makapagsumite ng kanilang panig bago iabsuwelto ni Agra ang Shell.

Ang ipinagkaiba nga lang sa nangyari sa DOJ ngayon kumpara ng nangyari sa OSG noon, hindi pumalag at nag-ingay ang mga kasamahan niya sa OSG ‘di tulad sa DOJ na hayagang nagpakita ng pagkadismaya ang kanyang mga kasamahan sa pangunguna ng kanyang Chief State Prosecutor.

Ayon kay Dhess Aclan, Public Relations Officer ng Batangas Newswriters Association, nasa proseso na ang BOC na i-apply ang section 1508 ng Tariff of Customs Code of the Philippines para ipa-hold ang mga shipments ng Shell kapalit ng kabayarang P7.348 billion na pagkakautang nito sa buwis. Ang nabanggit na halaga ay ang Excise Tax para sa catalytic cracked gasoline importations ng Shell mula 2004 hanggang 2009.

Ngunit bigla raw pumasok sa eksena ang kauupo lang na Solgen na si Agra at sinulatan nito ang Shell. Sa nasabing liham sinabi raw ni Agra na tinatanggap ng Department of Finance (DOF) at BOC ang proposal ng Shell na mag-post na lamang ng surety bond kapalit ng pagpapatigil sa collection enforcement ng nasabing bilyones. Nag-file din daw ng manifestation sa Court of Tax Appeals si Agra para sa Shell hinggil sa nasabing kaso.

Ginawa raw ni Agra ang lahat ng ito nang walang abiso at pahintulot sa DOF at BOC. Dahil sa ginawang ito ni Agra, nalugi ang gobyerno ng halagang P6.048 billion sapagkat P1.3 million na lamang ang kinailangan bayaran ng Shell para sa surety bond.

Bagama’t dismayado ang mga assistant ni Agra sa OSG na sina Tomas Laragan, Cabotaje-Tang at Bernard Hernandez, minabuti na lang daw nilang kimkimin ang kanilang sama ng loob at tahimik na bumitaw na lamang sa kaso.

Naguni-gunita ko na ang mangyayari kay Agra kapag wala na sa puwesto ang padrino niya sa Malacañang at may bago nang administrasyon. Maliban na lang siguro kung siya ay mangibang-bayan. Abangan na lang natin.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

One thought on “Shooting Range: Sino si DOJ Secretary Alberto Agra?

  1. FACT— VILLAR HAS A MINIMUM OF 40 TV SPOTS A DAY AT A COST OF P10 MILLION EVERY DAY THE PAST 5 MONTHS FOR A TOTAL COST OF P1.5 BILLION – AND THAT IS NOT COUNTING HIS EXPENSES ON RADIO, DOLPHY, WILLLIE REVILLAME ETC, ETC AND THE ELECTION OFFICIAL CAMPAIGN PERIOD HAS NOT EVEN STARTED – THEY SAY HIS BUDGET IS P20 BILLION AND ALL FOR A JOB THAT PAYS P200 THOUSAND A YEAR!

    LEADING NEWSPAPERS MENTIONED THAT THIS LEVEL OF SPENDING HAS NEVER HAPPENED BEFORE IN PHILIPPINE POLITICS, IT IS OUTRAGEOUS AND SHAMEFUL. THIS IS NOT ALSO NATIONALISTA PARTY MONEY THIS IS JUST VILLAR’S MONEY, SO WHAT WE ARE REALLY LOOKING AT HERE IS ONE SINGLE INDIVIDUAL WHO HAS A PERSONAL BUDGET OF 20 BILLION JUST TO BECOME A PRESIDENT. THE REST OF THE CAST OF THE SO CALLED NATIONALISTA BANDWAGON ARE MERE HIGHLY PAID ROLE PLAYERS, THAT’S WHY ITS A POLITICAL CIRCUS, WITH ALL POLITICAL IDEOLOGIES AND COLORS (LEFTIST, FACIST, IDEALISTS, RED, WHITE, BLUE, ORANGE , ETC) PACKAGED IN ONE BASKET.

    QUESTION – —-HE SAYS HE IS A GOOD BUSINESSMAN – AND IF HE IS, I WONDER WHERE HE EXPECTS TO GET HIS RETURN ON HIS AT LEAST P20 BILLIION INVESTMENT. WHAT KIND OF RETURN WILL VILLAR EXPECT – – —GIVEN THE HIGH RISK OF THIS UNDERTAKING, HE PROBABLY EXPECTS A GOOD RETURN – MAYBE DOUBLE OR TRIPLE HIS MONEY IN SIX YEARS SAY TO P60 BILLION.

    DO YOU BELIEVE VILLAR WHEN HE SAYS THAT HIS INTENTION IS JUST TO SERVE? FIRST OF ALL IF HE DOES NOT INTEND TO RECOVER THE 20 BILLION HE SPENT, THEN HE IS NOT A GOOD BUSINESSMAN AFTER ALL. SECOND. WHAT IS SO SPECIAL AND MOTIVATING ABOUT BEING THE HIGHEST RANKED PUBLIC SERVANT THAT YOU NEED TO SPEND 20 BILLION JUST TO GET IT – THE ONLY BELIEVABLE AND LOGICAL ANSWER IS THAT YOU WILL GET BACK WHAT YOU SPENT TEN TIMES BY CONSERVATIVE ESTIMATE. IF THIS IS NOT THE CASE THEN VILLAR IS NOT FIT TO BECOME PRESIDENT, HE IS MENTALLY IMBALANCED.

    THE RETURN —- TOTAL ESTIMATED BUDGET OF THE GOVERNMENT OVER THE NEXT 6 years IS P10 TRILLION WITH ABOUT P-1 TRILLION DISCRETIONARY – IF VILLAR MAKES C5 AND TAGA ON THE P-1TRILLION OF 20% … hmmmm THATS P200 BILLION ON AN INVESTMENT OF P20 BILLION – HMMM VILLAR IS ONE SMART BUSINESSMAN.

    BUT WAIT A MINUTE, THIS IS JUST VILLAR’S SHARE WHAT ABOUT THE REST OF THE CAST AND ROLE PLAYERS DO YOU THINK THEY WILL JUST BE HAPPY AND CONTENTED JUST LOOKING AT VILLAR WITH 200 BILLION IN HIS POCKET. OF COURSE MERON DIN SILA. LET’S NOT FORGET THAT THE ARROYOS AND MACAPAGALS WILL STIL BE AROUND, THIS IS 100% SURE. THEREFORE, TULOY ANG CORRUPTION HOLIDAY , GUARANTEED 6 YEARS AND MAYBE INDEFINITELY SHOULD THEY SUCCEED IN AMENDING THE CONSTITUTION. DIOS KO PO, MAAWA NAMAN KAYO SA BANSA NATIN, SA SARILI NATIN, SA MGA ANAK NATIN, WAG NAMAN NATING HAYAAN MANGYARI ANG BANGUNGOT NA TO.

    WHAT’S THE IMPACT ON THE POOR?- P200 BILLION THAT WILL CONSERVATIVELY BE LOST TO CORRUPTION AS A PAYBACK TO VILLAR’S CAMPAIGN EXPENSES CAN PAY FOR 40,000 CLASSROOMS TO SOLVE THE SHORTAGE PLUS CREATE A MICRO LENDING FUND THAT CAN GENERATE 3.2 MILLION JOBS – CORRUPTION IS THE CAUSE OF POVERTY!

    IN ADDITION:

    NOW THE CAT’S OUT OF THE BAG….
    MANNY VILLAR IS THE SECRET CANDIDATE OF PRES “GMA” … MIKE ARROYO HIMSELF MET WITH MANNY VILLAR AT THE HOUSE OF MIKE DEFENSOR LAST JAN 7…. VILLAR SECRETLY AGREED TO MAKE GMA AS SPEAKER OF THE HOUSE AND PROTECT HER SHOULD VILLAR WIN THE PRESIDENCY.. .. VILLAR AGREE TO GMA’S OFFER OF MASSIVE LOGISTICAL SUPPORT IN GMA’S COMMISSIONERS IN THE COMELEC WHO WILL ASSURE VILLAR’S VICTORY…

    THIS IS THE “VFA” AGREEMENT – VILLAR FOR ARROYO (VFA) AGREEMENT. ISA NALANG ANG KULANG DITO, PARA SURE-BALL NA, ANG BASBAS NI FVR (Fidel Ramos), WHICH WOULD MEAN “For Villar and Ramos” (FVR)

    IS THE VILLAR AS PRESIDENT / GMA AS PRIME MINISTER SCENARIO POSSIBLE?- IF VILLAR BECOMES PRESIDENT VIA THE 20 BILLION THAT HE WILL SPEND, WHAT IS THERE TO PREVENT THEM FROM SPENDING 50 BILLION JUST TO AMEND THE CONSTITUTION? BETWEEN GMA AND VILLAR, 50 BILLION IS NOTHING. AFTER THE CONSITITUTION IS AMENDED, MAYBE ANOTHER 30 BILLION TO ENSURE THAT VILLAR AND GMA BECOME PRESIDENT AND PRIME MINISTER RESPECTIVELY, FOR AN INITIAL PERIOD OF MAYBE – 20 YEARS, PWEDE!!!!!!! !!!!!!!!! !!!

    KAYO NAMAN, IT DOES NOT TAKE A GENIUS TO FIGURE THIS OUT!!!!!!!!! !!!!
    PLEASE PASS… PARA DI NA TAYO MALOKO ULIT.

Leave a Reply

Your email address will not be published.