Sino sa Starstruck 5 graduates ang tatagal sa showbiz?

Maraming nagsasabing hindi deserving sina Sarah Lahbati at Steven Silva sa title na Ultimate Male and Female Survivor sa katatapos lang na run ng reality-based talent search na Starstruck 5. Inasahan ng mga manonood na si Diva Montelaba ang tatanghaling Ultimate Female Survivor dahil nga siya ang naging Total Performer sa nasabing talent show – marunong itong sumayaw, kumanta at umarte. Samantalang sina Rocco Nacino at Enzo Pineda naman daw ang talagang ipinagbabangga sa simula’t sapul pa lang sa show, kaya takang-taka ang mga Starstruck supporters nang hindi manalo ang mga manok nila.

Hindi naman ibig sabihing magtatagal sa showbiz ang sinumang manalo sa mga talent shows na ganito. Sino naman kaya ang bibigyan ng maraming projects ng Kapuso network? Sino ang mago-oberdabakod sa Siyete o sa Dos? At sino naman kaya ang tuluyang mawawalan ng ningning? Boto na!


loading...

8 thoughts on “Sino sa Starstruck 5 graduates ang tatagal sa showbiz?

Leave a Reply

Your email address will not be published.