SINO NAMAN ITONG sikat na host comedian na mukhang ayaw nang bigyang-atensiyon ang kanyang career…

SINO NAMAN ITONG sikat na host comedian na mukhang ayaw nang bigyang-atensiyon ang kanyang career at tuluyan nang nawalan ng gana sa dating trabaho na siyang nagbigay rito ng kasikatan at limpak-limpak na salapi.

Ang siste, masyado raw kasing busy ang atensiyon nito sa isang hunk actor na sinasabing karelasyon nito sa ngayon. Kahit daw magmistulang P.A. si host/comedian sa pagsama-sama sa mga shows ng hunk actor, deadma lang ito at enjoy na enjoy sa kanyang ginagawa.

At kahit nga marami ang kumukuha sa serbisyo nito para mag-guest sa iba’t ibang TV shows, hindi ito nanghihinayang na tanggihan kapag may kasabay na commitment ang guwapitong hunk actor.

Kung sa bagay, hindi na rin naman magugutom si host/comedian kung hindi mag-showbiz dahil successful naman ang kanyang mga business at marami-rami rin naman ang naipon nito mula sa kanyang pagho-host at pag-aartista noong kasagsakan ng kanyang kasikatan.

Marami lang ang nanghihinayang dahil henyo ito at talaga namang magaling sa kanyang propesyong pagho-host at pagiging komedyante. ‘Yun nga lang, ‘pag puso na talaga ang umiral, wala nang makapipigil dito at talaga namang marami ang naapektuhan at napapabayaan.

Ang suma total, inlababo talaga ang host/comedian sa hunk actor at dito lang umiinog ang kanyang mundo. Tumpak at korak! ‘Yun na!

(John Fontanilla)

loading...

2 thoughts on “SINO NAMAN ITONG sikat na host comedian na mukhang ayaw nang bigyang-atensiyon ang kanyang career…

Leave a Reply

Your email address will not be published.