SINO NAMAN ITONG hunk actor na sobrang talamak na raw sa paggamit ng Ecstacy?

SINO NAMAN ITONG hunk actor na sobrang talamak na raw sa paggamit ng Ecstacy? Kaya naman pala ang dating sobrang ganda ng pa-ngangatawan nito ay bigla-bigla na lang bumagsak, at nangayayat na ito.

Mabuti na lang daw, magaling magdala ang morenong aktor na ito at hindi kumakalat ang paggamit nito ng Ecstacy. Pero tsika ng aming source, hindi mo raw talaga mabubuko si aktor, dahil sobrang tahimik nito at kahi’t nga raw naka-Ecstacy ito, tamang senti at nasa isang sulok lang ito at nakatitig sa iba’t ibang ilaw sa disco bar na pinagtatambayan nito.

Sa ngayon daw, tuluy-tuloy pa rin ang paggamit nito ng ipinagbabawal na gamot, kaya naman daw ngarag na ngarag na ang hitsura nito at unti-unti na talagang bumabagsak ang katawan kung makikita sa telebisyon at personal.

Sayang nga raw, dagdag pa ng source namin, dahil isa ito sa mga aktor na pinagpapantasyahan ng lahat dahil sa ganda ng mukha, height at katawan. ‘Yun nga lang daw dahil sa drugs, unti-unti nang kumukupas at pumapangit si hunk actor.

(John Fontanilla)

loading...

13 thoughts on “SINO NAMAN ITONG hunk actor na sobrang talamak na raw sa paggamit ng Ecstacy?

Leave a Reply

Your email address will not be published.