SINO NAMAN ITONG dating magaling at sikat na singer na mas piniling mag-concentrate na lang sa pagiging make-up artist at mag-manage ng kanyang sariling negosyo kaysa balikan ang pagiging singer?

SINO NAMAN ITONG dating magaling at sikat na singer na mas piniling mag-concentrate na lang sa pagiging make-up artist at mag-manage ng kanyang sariling negosyo kaysa balikan ang pagiging singer?

Dahil na rin sa passion nito ang pagmi-make-up, nagtungo pa ito sa iba’t ibang bansa para lang pag-aralan ang  makabagong istilo ng pagmi-make-up. Kaya naman daw nang bumalik ito ng bansa, talaga namang ‘di matatawaran ang husay sa pagmi-make-up, kaya naman daw mabentang-mabenta ito ngayon sa bagong career – ang pagiging make-up artist ng mga mayayamang ikinakasal. Libu-libo raw ang ibinabayad sa serbisyo ng guwapitong singer, kaya naman daw nawiwili ito at wala nang balak mag-recording.

Kaya naman marami ang nanghihinayang sa desisyong ito ni balladeer dahil bukod sa galing nitong kumanta at magandang PR sa lahat sa recording industry, nagtataglay pa ito ng maamo at magandang mukha. Kaya naman marami ang nag-iisip at nag-aakalang bading ito. Pero hanggang ngayon naman, wala pang makapagpapatunay na berde nga ang dugo ng dating sikat na sikat na mang-await.

(John Fontanilla)

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.