SINO itong super galing na male singer ang may pagka-madamot pagdating sa pagkain?!

SINO itong super galing na male singer ang may pagka-madamot pagdating sa pagkain?!

Minsan kasi sa isang event kung saan guest ang sikat na singer, kasama ang iba pang singers sa isang dressing room, nagpabili si damut-damutang singer ng pagkain sa kanyang dyulalay.

Dumating ang P.A. nito dala-dala ang isang napakalaking pizza, chicken, atbp. Pagkalapag na pagkalapag sa lamesa, kaagad-agad na binanatan ng kain ni male singer ang pinabiling pagkain.

Ang nakakaloka, ni hindi man lamang nito inalok kumain ang ibang singer at mga taong naroroon, basta ngasab dito, ngasab doon ang ginawa ni takaw-takawang male singer at walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya.

At nang maubos nito ang sandamakmak na pagkain na pinabili nito sa lamesa, mistulang parang walang nangyari at nagsimula na itong makipag-kuwentuhan sa ibang artist at taong naroon.

Sino siya? Well, mahulaan kaya siya ni Tita Komi dela Cruz?

(John Fontanilla)

loading...

5 thoughts on “SINO itong super galing na male singer ang may pagka-madamot pagdating sa pagkain?!

  1. ……~(@0@)~sakin Ok lang na hindi na mang-alok,isipin mo parepareho silang kumikita,at pag-inalok mo ang isa kailangan lahat sila kasama dun…”COMPRE SUS LOS PROPIOS”!!!…

  2. pati b nman yon pakiki alaman p, d magpabili din cl ng pagkain nl, ang mahirap kong iba ang nagpabili non tapos nilantakan ny ng kain eh hindi maganda yon pera ng tao yon pinanbili non. yan ang mahirap s mahilig s libre hindi lang maalok sabihin madamot.

Leave a Reply

Your email address will not be published.