SINO ITONG SEXY hunk actor na dating miyembro ng isang all-male group nagbubugaw raw ng mga young actor

SINO ITONG SEXY hunk actor na dating miyembro ng isang all-male group mula sa isang sikat at higanteng recording company ang itinuturong nagbubugaw raw ng mga young actor mula sa isang reality-based artista search sa mayayamang bading at mga sikat na personalidad mula sa politics at business world.

Simula raw kasi nang malaos ang kanilang grupo, sumalang na sa pagbebenta ng aliw ang guwapong sexy hunk actor  sa tumataginting na halagang 50K. Pero nang kalaunan, unti-unti na ring bumagsak ang presyo nito sa 5K, dahil sa napagsawaan na rin siya ng kanyang parokyano. Kaya naman nag-iba ito ng modus operandi – ang pagpapa-booking sa mga mayayamang bading ng mga young actors na walang trabaho.

Ito raw ang nagsisilbing contact person sa kung sinong bagets actor ang gusto ng kanyang costumer at kaagad-agad nitong tatawagan at aalamin ang presyo at roon, na siyang magpapatong para kumita. Sa ngayon daw, malakas ang kita ni sexy hunk actor, lalo na’t maraming young actor ang walang trabaho at gustung-gustong sumalang. Kaya naman daw kahit wala itong trabaho for the longest time, mistulang doon ito nagkakaroon ng expensive lifestyle. ‘Yun na.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “SINO ITONG SEXY hunk actor na dating miyembro ng isang all-male group nagbubugaw raw ng mga young actor

  1. we love PINOY PARAZI,,kaya nyang lamunin ang PEP,PORTAL,,basta alsin ang cheap na BI na ganyan,,wahahah…di nakakatulong,,,as in!!mas ok,,REFORMAT NYO ANG PINOY PARAZI,,sa mas update na isyu agad,,sa 2 at 7 o 5,,maging sa mga movies,,tv shows,,,,indie films,,,stars,,mga balita sa mga past stars,,mga SNN,,CHIKA MINUTE,,,JUICY videos,,etc,,mas ok iyon kesa sa ganyang BI,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.