SINO ITONG KONTRABIDA aktres mula sa isang big TV network ang sinasabing maldita sa kanyang driver?

SINO ITONG KONTRABIDA aktres mula sa isang big TV network ang sinasabing maldita sa kanyang driver? Grabe raw kung sigaw-sigawan nito ang kanyang driver dahil sagad daw sa buto kung magalit ito.

Bagay na bagay raw nga ang role na ginagampanan nito sa mga serye ng big TV network na kanyang kinabibilangan dahil sa sama ng pag-uugali nito. Tsika pa ng aming source, na kinukuwentuhan nito ng kanyang ‘di magandang karanasan sa malditang aktres, na hindi na nga raw mabilang ng pobreng driver kung ilang mura na at pamamahiya ang inabot nito sa kamay ni kontrabida actress.

Kung madali nga lang daw humanap ng trabaho, matagal-tagal na raw iniwanan ng nasabing driver ang malditang aktres.

Ayaw lang daw nitong umalis dahil inaalala nito ang kanyang pamilya lalo na’t sasapit ang Kapaskuhan. Kaya naman daw tinatanggap na lang nito ang ginagawang pang-aalipusta at paninigaw sa kanya ng may kapangitang ugaling kontrabidang aktres.

Kung sa bagay, ilang aktres na ba sa nasabing TV network ang inaway nito? Siguro marami-rami na , pero hanggang ngayon, bongga pa rin ang posisyon ng malditang aktres at patuloy pa rin sa pagkakaroon ng magagandang proyekto, kahit masama ang ugali. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

7 thoughts on “SINO ITONG KONTRABIDA aktres mula sa isang big TV network ang sinasabing maldita sa kanyang driver?

  1. who? angelica p? bida kontrabida? parang di naman. mukha namang mabait si angel eh. but looks can be deceitful sabi nga nila. sana lang di xa. kahi like ko xa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.