SINO ITONG DALAWANG young stars na ‘di pa man gaanong sumisikat ay sobra-sobrang laki na ang ulo..

SINO ITONG DALAWANG young stars na ‘di pa man gaanong sumisikat ay sobra-sobrang laki na ang ulo at nagpi-feeling sobrang sikat na. Kahi’t nga ang mga kasamahan ng young stars na ito sa kanilang top-rating na palabas ay nagtataka na rin sa ikinikilos ng dalawa.

Hindi nga raw nakikisama ang mga ito sa kanilang co-stars at mistulang may sariling mundo at inilalayo ang kanilang sarili sa taping ng kanilang shows. Kahi’t nga ang ibang mga movie press ay ganu’n din ang nararamdaman sa dalawang nagpi-feeling sikat na young stars.

Noong nagsisimula raw ang mga ito ay super bati sa mga press na nakikita. Pero ngayong nagkaroon ng kakapiranggot na pangalan, mistulang deadma raw ang mga ito kapag nakikita ng mga movie press.

Pagtataray nga ng isang manunulat na dating close sa dalawa na ngayon ay galit na rin sa kanila na ‘wag daw makaasta-asta na akala mo’y sikat ang dalawang young stars, dahil flop as in ‘di kinagat ng masa ang kanilang shows sa primetime, kaya natsugi kaagad. Kaya walang kagatul-gatol na sinabi nitong, “’Di sila sikat, ‘noh!” ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “SINO ITONG DALAWANG young stars na ‘di pa man gaanong sumisikat ay sobra-sobrang laki na ang ulo..

Leave a Reply

Your email address will not be published.