SINO ITONG ‘DI naman kasikatang komedyano ang harap-harapang inirapan ang mabait at ‘di hamak na mas maga-ling sa kanyang batang komedyana nang mag-krus ang landas ng mga ito sa TV network na kanilang pinagtatrabahuhan.

SINO ITONG ‘DI naman kasikatang komedyano ang harap-harapang inirapan ang mabait at ‘di hamak na mas maga-ling sa kanyang batang komedyana nang mag-krus ang landas ng mga ito sa TV network na kanilang pinagtatrabahuhan.

Dire-diretsong dinaanan at mistulang walang nakita ang hitad na komedyano nang tawagin at batiin ng mabait na komedyana. Pero na-shock ang halos lahat ng taong nandoon dahil pasimangot itong humarap. Ang young comedienne pa ang lumapit dito para batiin, pero kitang-kita sa mukha ng insikyur na komedyano na hindi siya natutuwa sa ginawang pagbati sa kanya ng batang komedyana.

OA na yata sa pinaka-OA ang ‘di naman kagalingang komedyano. Feeling yata nito, sikat na sikat na siya to the max at kaya na niyang away-awayin ang mga sa tingin nito ay mas magaling sa kanya. Minsan na raw nagkaroon ng ‘di magandang experience ang mabait pa namang batang komedyana sa nasabing komedyano nang magkasama ang mga ito sa pelikula, kung saan feeling ni komedyano ay sinasapawan siya ni young comedienne na hindi naman. Dahil likas ang pagiging natural comedienne ng nabanggit na komedyana, kaya naman ang ending, everytime daw na nakikita nito ang batang komedyana, umaasim na kaagad ang mukha nito. Insecure talaga, kalokah!!!

(John Fontanilla)

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.