Sino Fleet sa Spratly, Labag sa UN Law

INAKUSAHAN NG Pilipinas ang China ng umano’y paglabag sa international law kasunod ng ulat na pag-deploy ng Beijing ng 30 fishing vessels sa pinag-aagawang Spratly Island.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Raul Hernandez na mayroong exclusive rights ang Pilipinas sa naturang area kung kaya’t dapat umanong galangin ng China ang sobereniya ng bansa.

Aminado naman ang opisyal na wala pa silang natatangap na official confirmation hinggil sa deployment ng mga Chinese vessel sa lugar.

Una rito, iniulat ni Huang Wenhui, head officer ng Department of Ocean and Fisheries ng Hainan province, na mayroong kapasidad na mahigit 100 tonelada ang bawat fishing vessels kung saan equipped ang mga ito ng all-weather communication devices.

Layunin ng naturang operasyon na palakasin ang “business model” ng kanilang mangingisda na mangisda sa kanilang isla.

Samantala, kabilang sa mga bansa na umaangkin sa Spratlys ay ang Pilipinas, China, Malaysia, Brunei, Taiwan at Vietnam.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.