SINO ANG MAS HOT AT FAMOUS? Tapatang DonKiss, LoiNie at MayWard sa ‘Fantastica’!

MayWard, DonKiss and LoiNie

IBA ANG HATAK sa fans ng tatlong mga loveteams ng Kapamilya Network na kasama sa MMFF 2018 entry ni Vice Ganda na Fantastica.

May kanya-kanya silang mga fans na naimbitahan to witness the grand media conference held recently sa Dolphy’s Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Iba ang lakas ng tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber nang ipakilala sila ng host ng event.

Hindi rin patatalo syempre ang love team nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan na sinundan na ipinakilala sa media ang real-life lovers/screen partners na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Between the three screen partners, halos hindi magkamayaw ang mga fans na nasa balcony section ng Dolphy’s nang sabay-sabay na naghihiyawan at nagtitilian na hawak-hawak ang kanilang mga banners in support sa kanilang mga idols.

Ang pelikula ay kuwento ng mga peryante na sina Vice at ng ina niya na si Jaclyn Jose (yes, ang dramatic actress ay kabilang sa nakababaliw na movie na during the presscon ay matatawa ka na).

Maymay Entrata and Edward Barber (MayWard)

 Anak si Vice as Bellat ni Aling Fec played by Jaclyn Jose at mga kapatid niya sina Ronnie as Pepe played by Donny Pangilinan at Jun-jun na ginagampanan naman ni Edward.

Ang pamilya ni Bellat ay nakatira at nagtatrabaho sa Perya Wurtzbach kung doon din sila nakatira.

Pahayag nga ni Vice during the mediacon: “Imagine mo, yung perya, mga ganito ang nagtatrabaho, siguro, kung yung mga nagtatrabaho sa perya, ganyan talaga ang mga hitsura… yung perya, magiging motel,” natatawang pagkukuwento ng unkabogable box-office superstar sa mga male bagets stars ng pelikula nila.

Kisses Delavin and Donny Pangilinan (DonKiss)

While the girls na naka-loveteam nina Ronnie, Donny and Edward naman ay ang mga nawawalang mga prinsesa (from the Fantastica Wold) na sina Loisa bilang si Prinsesa Rapunselya, Kisses playing as Prinsesa Ariella at si Maymay naman bilang si Prinsesa Maulan.

With the three loveteams na kasama sa pelikula, for sure, additional ticket sales ito para sa pelikula na pwede magdala sa Fantastica sa pagiging # 1 sa takilya pag nagsimula na ang film festival sa December 25.

Loisa Andalio and Ronnie Alonte (LoiNie)

Bongga ang pelikula ni Vice na bukod sa tatlong sikat na mga loveteams na sandamakmak ang fan based ay makakasama din sina Richard Gutierrez as Prince Pryce na tutulungan ni Vice aka Bellat sa paghahanap sa tatlong nawawalang prinsesa.

Not to forget SI Dingdong Dantes as Dong Nam na nagmamay-ari ng perya na magiging ka-love interest ng komedyante.

Happy ang experience nina LoiNie, MayWard at DonKiss sa shooting nila with Vice.

Parang hindi nga daw sila nagwo-work dahil feeling ng mga bagets stars ay tawanan at tsikahan sa tambayan lang ang ginagawa nila during shooting reason kung bakit naging mabilis din ang pagtatapos ng pelikula dahil sa magandang working relationships ng tatlo sa isa’t isa at kina Vice, Richard at Dingdong.

Based sa picture posting namin personally sa aming social media account (Instagram, Twitter and Facebook) ay hindi nalalayo ang likes at shares ng mga netizens sa tatlong loveteams na ito.

Richard Gutierrez, Vice Ganda and Dingdong Dantes

Kunsabagay, hindi lang sa hiyawan at tilian ang basehan kung sino talaga ang sikat at hot.

Pagnagkataon na magkaroon na sila ng sarili nilang pelikula na sila ang mga bida, yun ang tunay na barometer kung sikat ba talaga sila at suportado ng mga fans nila na handang maglabas ng pera para manood ng sine (P200 na yata ang bayad) para patunayan na ang idols nila ang numero uno sa labanan.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “SINO ANG MAS HOT AT FAMOUS? Tapatang DonKiss, LoiNie at MayWard sa ‘Fantastica’!

  1. So kailangan may tapatan? Di pwedeng they are all beautiful pairs kasi bagay para say isat Isa. Besides, they have different branding.
    Loisa and Ronnie are real life couple
    Maymay and Edward naman parang opposite attracts.
    Donny and Kisses are like match made in heaven

    They all shine. Case closed!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.