Sino ang hudas na kamag-anak ni Mayor?

0915-305xxxx – Idol, nagkalat ang sugal na Pergalan sa Quezon City. Meron d’yan malapit sa TV5 sa Novaliches sa likod ng Mercury at sa Cubao sa Westpoint. Meron din sa Mayon corner Dapitan. Dinadaan-daanan lang ng mga mobile kung minsan pinagkakape pa nga ang mga pulis. Patong daw kasi ang kamag-anak ni Mayor. Paki-surveillance sa T3.

 

0917-835xxxx – Boss Raffy, gusto ko lang pong i-report sa inyo ang mga traffic enforcer sa Pasay partikular na sa Andrew’s Avenue cor. Domestic Road. Noong nakaraang linggo kasi, kalaliman ng gabi, lima po silang nagtumpukan sa may Shell station, namamara ng nag-swerve pakanan sa Andrew’s. Paano po kasi ginagawang terminal ng tricycle sa kanto. Iiwas ka talaga kasi nagka-counter flow pa sila pabalik ‘pag may sakay, kaya wala kang magagawa kundi sa gitna pumuwesto. Nakaabang na agad ang mga traffic enforcer para manghuli. Sana po, Sir, masilip po ninyo ito nang mahuli ninyo sa akto ang mga ito. Salamat po sa inyong tulong!

 

0923-652xxxx – Magandang araw po Sir! Nais ko pong isumbong sa inyo ang nangyayaring malawakang nakawan ng hayop dito sa San Carlos, Pangasinan. Isa ako sa nanakawan ng alaga kong hayop. Halos gabi-gabi, may nakawan bawat barangay. Dapat kasi may checkpoint o ronda bawat barangay para mahuli sana ang mga magnanakaw. ‘Di namin alam kung ang may pakana nito ay iyong mga nakaupo o kalaban sa pulitika ng kasalukuyang mayor ngayon. Sir, hingi po kami ng tulong kung paano po ang gagawin namin dito sa Pangasinan para sa kapayapaan at kaligtasan ng bawat naninirahan dito. Maraming salamat po!

 

0915-517xxxx – Good day, Sir Raffy! Puwede ko po bang ilapit sa inyo ang nangyari sa aking anak? Kasi po nasampal at namura siya ng kanyang titser noong August 1 pa. Nireklamo na po namin ito sa principal pero hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon, kasi raw may sakit ang titser kaya hindi niya pa nakakausap. Sir, inamin naman po sa akin ng titser na nasaktan niya ang bata. Kaya bilang respeto namin sa principal, ‘di kami gumawa ng hakbang na ikahihiya ng school. Ang sa akin lang sana, gawan niya ng disciplinary action o parusa na dapat ipataw sa kanya dahil sa pananakit at pagmumura sa aking anak para ‘di na po maulit ang ganitong pangyayari sa ibang mga mag-aaral. Maraming salamat po!

 

0908-683xxxx – Isa po akong concerned citizen na nais iparating sa inyong tanggapan ang open canal drainage dito sa Villa Beathris, Old Balara, Quezon City. Napakadelikado po para sa mga dumadaan mas lalo sa mga bata na pumapasok papuntang school. Dagdag pa ang mga streetlight na tinanggal nila, mas nakakatakot pong dumaan pagsapit ng gabi. Sana po ay makalampag ninyo ang lokal naming pamahalaan para mabigyan po ng pansin ang a-ming hinaing na ito. Salamat po, Idol!

 

0926-641xxxx – Magandang araw po, Sir Raffy! Ireklamo ko lang po ang sobrang paniningil ng konduktor ng Yohance Express Bus Company. Sumakay po ako noong nakaraang linggo. Nagreklamo po ako dahil sa labis niyang paniningil ngunit galit pa siya. Kung magreklamo raw po ako, huwag daw ako sumakay sa kanila. Sana maputol na ang ganitong pang-aabuso ng mga busabos na bus na bumibiyahe sa Edsa. Salamat po!

 

Para sa inyong sumbong o reklamo, paki-text lang po sa aming hotline sa 0917-7WANTED o 0908-87TULFO. 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.